"Sandali... hinahamon kita!" Sabi ni Giel sabay turo kay Karla
Nagulat ang lahat sa narinig na sinabi ni Giel. Nilingon sya ni Karla at tinignan ng
mabuti, nagpang-abot ng ilang sandali ang kanilang mga mata bago nagsalita si Karla...
"Hindi ako interesado, tinatamad ako." sabay lakad paalis
Nang marinig ang sinabi ni Karla ay naalala ni Giel na ang mga katagang yun ay ang
parehong mga salitang sinabi nya kanina. Yumuko si Giel at dahan-dahang umupo muli
sa sahig.
"Teka! Aray, tama na!" Sigaw ni Miko na pilit pa ring tinatanggal ang cupcake sa kanyang
mukha
Itinaas ni Karla ang kanyang daliri at kasabay noon ay nilubayan din ng cupcake ang
mukha ni Miko...
"Sa'yo na yan Mochi." Sabi ni Karla
"Yehey!" Sigaw ni Mochi sabay lapit sa cupcake at hinawakan ito
"T-teka! W-waggg po!" Sigaw ng cupcake na naluluha ang mata
At sinimulan ng kainin ni Mochi ang cupcake...
"Yuck, nakakaya mo talagang kainin yan?" Tanong ni Master Nok
"Hmm... masharap kaya." Sagot ni Mochi habang ngumunguya
"Nakakain din pala mismo yung bagay na yun..." Sa isip ni Lean
Habang nakatingin si Lean ay dinaanan siya ni Karla at ng makalampas ay nilingon
ni Karla ang espada na nasa likod ni Lean at napangiti siya.
"O pano, sumunod na kayo dun ha..." Utos ni Master Nok Sabay lakad paalis
"Sige po... ha... anong" Sagot ni Lean na naantala ng makaramdam ng malakas na enerhiyang
malapit
Naramdaman din ito ni Giel at napatingala siya at nakita niya si Mochi at napagtanto nila
na sa kanya nanggagaling ang malakas na enerhiya...
"P-panong... halos doble na ang lakas nya sakin ngayon." Sa isip ni Giel
"Burppp... bitin pa!" Sigaw ni Mochi sabay lakad papunta sa kusina
Sila Miko, Giel at Lean na lang ang naiwan sa training ground pagkaalis nila Mochi at Master
Nok. Si Miko ay nakahiga sa sahig at nakatingala sa kisame. Ilang sandali na walang
nagsasalita sa kanilang tatlo ng biglang bumangon si Miko...
"OK! Pagkatapos kumain babawi ako sa kanya!" Sigaw ni Miko
Hindi pinansin nila Giel at Lean ang sinabi ni Miko at sa halip ay nanatili pa rin silang
tahimik kaya nagtanong si Miko...
"May problema ba?"
"Di ka talaga mananalo sa kanya. Malayo pa ang agwat ng kakayahan nila sa atin."
Sagot ni Lean
"Hmf, nag-aalangan lang ako kanina dahil babae sya." Paliwanag ni Miko
"Kahit na halatang naglalaro pa lang sya kanina?" Sabi ni Lean
"Hayy... naku naman!" Sabi ni Miko sabay higa ulit sa sahig
- - - - -
Pagpasok ni Mochi sa kusina ay nakita nya na nakahanda na ang pagkain at nakaupo na
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...