Chapter 65: Ang Presidente

19 9 0
                                    


Bumukas ang buong bubong ng annex ng FAT ung saan nakalagak ang black dove at lulan na nito sina Miko, Lean, Karla, Erryel, Cjay, Daniel, at ang kapitan para sa misyong ito... si Mochi. Kasabay nang pag-angat nito sa himpapawid...

"Aha! Alam ko 'to, ito yung katulad sa mga pelikula, dito nakalagay yung mga high tech na..."

Sabi ni Miko habang hinihila pabukas ang isa sa mga cabinet...

At pagbukas noon ay tumapon ang napakaraming pagkain nagmulat hindi lamang kay Miko kundi sa lahat...

"Waaah!! Bakit mo pinake-alaman 'yan?!" Pagwawala ni Mochi

Tulala naman si Miko sa nakita...

"High Tech pala ha..." Sa isip ni Lean

"Wew... 'yan pala ung importanteng bagay na inorder niya. Talaga bang magiging ayos lang kami kung ganito?" Sa isip ni Karla na halos natatawa rin sa nangyayari.

"Ehem!" Biglang seryosong reaksyon ni Mochi

Naintindihan naman ni Erryel ang ibig sabihin noon...

"Seryoso na sya." Sa isip ni Erryel

"Ipapaliwanag ko na ngayon ang detalye ng gagawin natin."

Pambungad ni Mochi matapos ay lakad papunta sa malapad na mesaAgad namang sumunod ang anim sa kanya at dun nila nakita na sa ibabaw ng mesa ay mayroon isang monitor. Sa ilang pindot ay ipinalabas doon ni Mochi ang mapa ng Metro City.

"Ito ang Metro City na sa kasalukuyan ay naka-quarantine at napalilibutan ng mga sundalo. Maaring ang datnan natin ay may maliliit na riot ng nagaganap at asahan din natin na may mga taong makikitaan ng mga kakaibang kakayahan. Ang plaza sa gitna ng siyudad ang target natin." Paliwanag ni Mochi sabay turo sa lokasyon sa mapa kung nasaan ang plaza.

"Dyan pala kami poposisyon para gumawa ng musika." Reaksyon ni Daniel

"Sa lawak ng siyudad , kakailanganin namin ng hindi bababa sa tatlumpung minutong konsentrasyon at paghahanda para makapagsimula." Paliwanag ni Erryel

"Doon natin kayo kakailanganin... Miko at Lean..."

Sabi ni Mochi sabay tingin kina Miko at Lean

- - - - -

Sa sentro ng pamahalaan sa Central City kung saan lumalagi ang Presidente ng bansa ay nagaganap ang isang mahalagang pag-uusap tungkol sa hinaharap ng Metro City. Nakatayo ngayon si Master Nok sa harap ng presidente at sa likod naman ng presidente ang heneral ng sandatahang lakas ng bansa.

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi mong spiritual ang dahilan ng problemang ito." Ito ang reaksyon ng presidente matapos marinig ang paliwanag ni Master Nok patungkol sa awakening fields.

"Spiritual pero maaring politikal din. Gaya ng naipaliwanag ko na, may mga tao o diyablo... o pareho... na nasa likod nito."Sagot ni Master Nok

"At bakit ako maniniwala sa'yo?" Tanong ng presidente

"Dahil wala na tayong iba pang paraan." Sagot ni Master Nok

Bumulong ang heneral na nasa likod ng presidente...

"Sir, nakahanda na ang ating mga sundalo. Naghihintay sila ng utos."

Matapos marinig iyon ay nagpatuloy ang presidente sa pakikipag-usap kay Master Nok...

"Pitong sundalo, ... nagpadala ka ng pitong tao para ayusin ang gulong ito at gusto mong umasa ako sa kaya ninyong gawin?!" Tanong ng presidente

"Umasa tayo sa Diyos!" Sabi ni Master Nok

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon