Isinara ni Miko ang kanyang mga palad at tumingin kay Leo at sinabi...
"Humanda ka ngayon!"
"Hmm... magaling. Ibig sabihin mas mapapasaya mo pa ko! Hahaha! Narinig ko kanina ang pangalan mo ng tawagin ka ng mga kasama mo pero nakalimutan ko na agad. Ano nga ulit iyon?" Tanong ni Leo
"Hah, wala akong responsibilidad na ipakilala ang sarili ko sa isang diyablong katulad mo!" Sagot ni Miko
Bakas sa mukha ni Leo na nairita sya sinabi ni Miko. Sa sandaling iyon ay umihip ang malamig na hangin tanda na nagsimula na ang pinakamadilim na bahagi ng gabi...
"Buti na lang tumalab na ang gamot. Nahulog at nawala na yung ibang piraso na dala ko. Kailangan ko na 'tong tapusin gamit ang lakas na ito." Sa isip ni Miko
- - - - -
Kasalukuyang tumatakbo sina Lean at Giel sa mga pasilyo ng kastilyo. Nauuna si Lean ng ilang metro at nagtataka sa ikinikilos ni Giel...
"Mas mabagal sya kaysa sa natural nya. Halatang may pag-aalinlangan sa mga hakbang nya." Sa isip ni Lean
Nang mga sandali nga na iyon ay malalim ang iniisip ni Giel at ito ang mga bagay na tumatakbo sa utak niya...
"Hindi sya nag-aalala kahit mag-isang kinakalaban ni Miko ang halimaw na yun. Bakit napakataas ng kumpiyansa nila? Ganito na ba sila kalakas?! Hindi pwede, ilang linggo pa lang mula ng matapos ang huling misyon namin. Imposibleng malayo na ang agwat ng kakayahan nila sa'kin."
Habang lunod ng isip sa mga ideyang ito ay bigla namang nagbukas ang sahig na kanyang tinatapakan na naging dahilan para bigla syang mahulog. Dahil tuliro sa ibang bagay at sa bilis ng patibong ay hindi nya nagawang sumigaw para makuha ang atensyon ni Lean. At mabilis na nagsara ang trap door.
Makalipas ang ilang segundo ay agad ding napansin ni Lean na nawala ang kaibigang nakasunod sa kanya at agad siyang napatigil sa pagtakbo.
- - - - -
Nagsimulang bumuo si Miko ng isang Spirit Ball sa kanyang mga kamay at agad naman iyong pinagtawanan ni Leo...
"Hahaha! Wala ka na bang ibang alam gawin bukod sa bola na yan?" Sigaw ni Leo
"Pa, pasensya na pero kailangan kong gamitin ang paraan na ito" Bulong ni Miko sa sarili
Dahil sa ilang beses na nyang nakita ay halos sigurado na si Leo kung paano gumagana ang Spirit Ball...
"Ha, sa ganitong distansya sigurado akong maiiwasan ko ang lahat ng bola na ibabato nya. Hindi nya narin maaring gamitin yan nang malapitan kagaya ng kanina dahil magtatamo rin sya ng matinding pinsala. Haha, sigurado na ang panalo ko dito."
Natigilan naman si Leo sa kanyang iniisip ng biglang ibinaon ni Miko sa kanyang sariling dibdib ang Spirit Ball!
"Aaaaah!!! Spirit Burst!" Sigaw ni Miko
"A-anong?!" Reaksyon ni Leo
Napuno ng liwanag si Miko na tila sa katawan nya sumabog ang Spirit Ball. Nang mga sandaling iyon ay nakita ni Beth ang tagpong iyon dahil saktong napadaan sya sa isang bintana na nasa ika-limang palapag ng kastilyo...
"Ginamit nya ang Spirit Ball para biglain ang pagdaloy ng spiritual na enerhiya na nasa loob nya!" Sa isip ni Beth
Matapos ang ilang sandali ay unti-unting naglaho ang napaka-tinding liwanag. Ngayon, nag-uumapaw ang spiritual na enerhiyang dumadaloy kay Miko. Natulala naman si Leo sa nakita at bago pa nya maisip ng mabuti kung anong nangyari ay mabilis na sumugod si Miko at sinikmuraan sya...
"Ahhh... ang bilis. Parang nadoble ang bilis nya." Sa isip ni Leo na nakakaramdam ng sakit dahil kasalukuyang nakabaon ang kamao ni Miko sa kanyang sikmura.
Agad namang lumundag si Miko at sinuntok ng malakas si Leo sa mukha na naging dahilan para tumilapon ito palayo. Agad namang bumuo si Miko ng Spirit Ball at agad-agad nya din itong ibinato kay Leo. Mabilis na ibinaling ni Leo pakaliwa ang kanyang katawan para maiwasan na direktang tamaan ng Spirit Ball na sa halip ay tumama na lamang sa sahig at sumabog. Nagawa naman ni Leo na makalundag palayo para di sya abutin ng pagsabog.
"Sayang! Maaring tapos na ang laban kung tinamaan sya. Di ko inasahang ganito na pala kalakas si Miko, sa puntong ito sinlakas na sya ng isang level 6. Pero hindi nya maaring patagalin ang laban na ito at sigurado akong alam nya yon."
Sa isip ni Beth na nanunuod pa rin ng mga sandaling iyon. Bumuo muli si Miko ng Spirit Ball at ibinato patungo kay Leo, muli itong naiwan ni Leo ngunit sinamantala ni Miko ang pagkakataon para makalapit at suntukin si Leo ngunit nagulat sya dahil sinalo ng kanang kamay ni Leo ang kanyang kamao at hinawakan ito ng mahigpit...
"Nasabayan pa rin nya ang bilis ko?" Sa isip ni Miko
"Ngayon ginamit mo naman ang Spirit Ball mo para linlangin ako at makalapit ka, pero minamalas ka pa rin..." Sabi ni Leo
Biglang lumabas ang napakaraming masamang enerhiya kay Leo at lalo pang lumaki at tumigas ang katawan nito. Nagsimula syang pigain ang kamao ni Miko. Agad namang hinila ni Miko ang kanyang kamao at sinipa si Leo sa katawan, tumama ito ngunit tila hindi masyadong ininda ng diyablo kaya naman nagdesisyon si Miko na lumayo muna...
"Masaya ako at nakalaro kita, pero alam mo naman na kayong mga tao ay hindi dapat nakikipaglaro sa aming mga diyablo!" Sigaw ni Leo sabay sugod kay Miko
Naiwan naman ni Miko ang pagsugod ni Leo at sya naman muli ang umatake. Doon na sila nagsimulang magpalitan ng mga suntok at sipa ngunit pareho nila itong naiiwasan o kaya ay nasasalag...
"Tsk, malakas din talaga ang kalaban nya. Mas mabuti siguro kung tutulungan ko muna sya... ha?"
Sa isip ni Beth na biglang nagulat dahil may naramdaman syang presensya sa kanyang likuran.
- - - - -
Lumingon si Beth at nakita na ilang metro mula sa kanya ay nakatayo si Tera sa isang madilim na bahagi na sulok...
"Ano? Manunuod ka na lang ba dyan?" Tanong ni Tera
"Ang isang ito... sya ang pinaka-magaling sa kanilang lahat." Sa isip ni Beth
Kilala ni Beth si Tera dahil minsan na nga nilang nakaharap ang mga devourers. Seryoso ang mukha ni Beth at halatang nais nyang tapusin agad ang kalabang nasa harap nya. Iniangat nya ng bahagya ang kanyang kamay at...
"Cheesecake" Bulong ni Beth
Pagkasabi noon ay nagliwanag ang kamay ni Beth at lumabas doon ang sandata nyang cupcake nya na si cheesecake.
"Whoa!" Sigaw ni cheesecake
"Hihihi, iyan na namang laruan mo? Hmm... nga pala pumunta kayo dito para iligtas yung batang lalaki di ba?" Tanong ni Tera na tila hinahamon si Beth
Agad na tumalikod si Tera at mabilis na tumakbo palayo patungo sa madilim na pasilyo ng kastilyo. Nilingon naman ni Beth si Miko mula sa bintana at nakita na tuloy pa rin ito sa sagupaan nila ni Leo.
"Miko, ikaw na muna ang bahala dyan." Sa isip ni Beth
- - - - -
"Hahaha! Mukhang unti-unti nang bumabagal ang mga kilos mo at parang humihina na ang mga suntok mo!" Pang-aasar ni Leo kay Miko
"Tsk... Spirit Ball!"
Sagot ni Miko sabay pagbuo ulit ng Spirit Ball sa kanyang mga kamay
"Hahahaha! Mahina talaga ang utak mo para sa isang tao. Alam mong hindi mo ko tatamaan ng bola ng enerhiya na yan sa ganitong distansya. At isa pa..." Sabi ni Leo
Nagulat si Miko dahil mabilis na sumugod si Leo at agad itong nakalapit sa harapan nya...
"Hindi mo pwedeng ibato ang bola na yan sa ganitong kalapit na distansya dahil madadamay ka sa pagsabog!" Sigaw ni Leo sabay suntok sa mukha ni Miko
Kumonekta ang suntok at tumilapon palayo si Miko
[Itutuloy...]
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...