Chapter 90: Pagkalipas ng Tatlong Araw...

14 6 1
                                    


Tok Tok ... Tok tok tok...

Katok ng pinto ang gumising kay Karla na natutulog sa loob ng kanyang kwarto sa FAT. Dahan-dahan siyang bumangon at naglakad papalapit sa pinto para buksan iyon at...

"Beth!"

Sabay yakap sa kaibigan na kanyang nakita pagbukas ng pinto.

"Sus..." Reaksyon ni Beth

"Kailan ka pa nakabalik?" Tanong ni Karla

"Kahapon pa, tatlong araw na daw kayo di nagsisilabas ng kwarto niyo sabi ni Master Nok." Sagot ni Beth

At nang marinig iyon ni Karla ay mabilis na bumalik sa kanyang mga ala-ala ang huling mga tagpo ng kanilang nakalipas na misyon sa Metro City.

"Kinwento na sa'kin ni Master Nok at Lorenz ang mga nangyari. Pinwersa mo na naman at muntik mo ng ipahamak ang sarili mo." Sabi ni Beth

"Hindi lang naman ako. Ginawa naman ng lahat ang kanilang makakaya. Sa palagay ko nga naging pabigat lang ako. Teka kamusta nga pala ang Metro City?" Sagot at tanong ni Karla

"Hay... talagang nagkulong ka lang dito sa kwarto huh. Naglabas ng pahayag ang presidente na isang terrorist attack ang nangyari. Isang bagong klase ng shockwave daw ang ginamit sa Metro City na naging dahilan para mawalan ng malay ang lahat ng nandoon. May mga rallies na nagaganap nitong mga nakaraang araw, takot na takot ang mga tao at parang wala silang tiwala na kaya silang protektahan ng gobyerno." Kwento ni Beth

At ang tanging naisagot na lang ni Karla ay ang mga salitang

"Ganun ba..."

- - - - -

Mag-isa namang nakaupo sa loob ng opisina niya si Master Nok at hawak-hawak ang aklat na kinuha niya mula sa Meggido at malalim na nag-iisip...

"Dapat ko na sigurong simulang kausapin siya patungkol sa nilalaman ng aklat na 'to... hmmm... pero dapat sigurong bigyan muna ng pahinga ang lahat."

- - - - -

...

..

.

"Huwag kang umasang maililigtas mo ang lahat. Kailangan mong matutong manimbang at mamili."

"Tibayan mo ang loob mo."

.

..

...

Ang mga katagang iyon nina Lorenz at Master Nok ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ni Miko na tatlong araw na ring nagkukulong sa kanyang kwarto.

Tok! Tok! Tok! ... Tok! Tok! Tok! ... Tok! Tok! Tok!

Sunod-sunod na malalakas na katok sa kanyang pintuan.

"Asar naman! Sino ba kasing!..."

Sigaw ni Miko habang binubuksan ang pinto

At pagbukas niya noon ay nakita niya sina Lean na nakaamba pa ang kamay para kumatok ulit at sa kanyang likuran naman ay si Russel na nakasandal sa pader.

"Ano bang problema mo?!" Tanong ni Miko kay Lean

"Wow! Baka ikaw ang may problema." Sagot naman ni Lean

"Tsk." Reaksyon ni Miko sabay tingin kay Russel at agad namang nagbago ang mukha ni Miko na tila nahiya

"Pinasama lang ako dito para daw tawagin ka kuya." Sabi ni Russel

"Mga ilang araw mo pa planong magkulong dyan?" Tanong ni Lean

"Sus... kaninong pinto kaya yung sinira pa ni ate Beth kanina para lang pilitin siyang lumabas?" Reaksyon ni Russel sa tanong ni Lean

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon