"Ako si Edu. Yung lalaking matangkad na nakita mong umahon mula sa ilalim ng lupa ay si Tian. Yung may kadena naman si Jovan. At 'yun naman si Micca." Pakilala ng lalaki sa kanila habang magkakasama silang naglalakad sa isang kakahuyan
"'Yung mga ibinabato mo kanina, may kakaibang pwersa sa mga batong 'yun."
"Ahh, simple lang naman." Pagmamalaki ni Edu habang humuhugot ng isang pirasong bato mula sa maliit na bag na nasa kanyang tagiliran... "Ang mga batong ito ay nilagyan ko na ng enerhiya dati, bukod dun gumagamit din ako ng enerhiya kapag ibinabato ko sila kaya mas mabilis at mas malakas ang pwesa nila."
Napahinto naman si Tian na nasa harapan lamang nilang dalawa...
"Edu, masyado ka atang nagtitiwala sa kanya, ni hindi mo man lang muna inaalam kung sino siya."
Sa puntong iyon ay tumigil na din sa paglalakad sina Jovan at Micca at lumingon para harapin ang lalaking ngayon lamang nila nakasama...
"Ano bang pangalan mo?" Tanong ni Micca
Natigilan naman ang lalaki ng siya ay tanungin nila na tila ba na-blanko ang isipan nito nang kanyang marinig ang tanong na iyon.
"Ayos ka lang ba?" Tanong naman ni Jovan na nagsimulang maglakad papaikot papunta sa likuran ng lalaki
"Huy... tinatanong ka lang anong pangalan mo." Sabi ni Edu sabay tapik sa likod niya
"P-pangalan... ako si... Gi... gi...el..err..." Ito ang salitang lumabas
sa kanyang bibig dala ng panginginig at gulo sa kanyang isipan
"Ano daw? Gilyer?" Reaksyon ni Jovan sa narinig
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 134: Life Saga II
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Gilyer, San ka galing at anong ginagawa mo kanina sa District C?" Tanong ni Micca
Hindi na naman nakasagot agad-agad ang lalaking kanilang tinatanong.
Nang mapansin nila iyon ay agad silang naglakad nang marahan at pumwesto para paligiran sya.
"Dumadami na ang alam mo tungkol sa'min pero nahihirapan ka atang sagutin ang mga tanong namin ah..." Komento ni Tian na nasa kanan
"'Wag ka mag-alala 'tol hindi naman kami masasamang tao..." Pagsiguro ni Eddu na nakatayo naman sa gawing kaliwa
Pero ang hindi nila mapagtanto ay ang katotohanang hindi sumasagot ang kanilang kausap hindi dahil mayroon itong itinatago kundi dahil hindi talaga nito alam paano sasagutin ang kanilang mga tanong.
At sa isang iglap...
Nagkaroon ng tunog na likha ng pag-galaw ng bakal na kadena ni Jovan at agad iyong pumulupot kay Gilyer!
"A-anong ibig?" Tanong niya habang hindi makagalaw dahil sa mahigpit na pagkakatali ng kadena sa kanyang katawan
At ang sunod nyang naramdaman ay ang dalawang palad ni Micca na nakahawak sa kanyang leeg...
"Isang maling galaw at maglalaho ang leeg mo." Babala ni Micca
Bumilis naman ang tibok ng puso ng taong nakakadena bunsod ng kaba na kanyang nararamdaman...
"B-bakit?..." Tanong niya kay Micca
"Napakasimple lang ng mga tanong para hindi masagot ng isang taong walang itinatago. Sabihin mo, sino ka ba talaga?" Pagbalik ni Micca ng tanong sa kanya
"Ispiya ka ba ng emperador?" Dagdag ni Tian
"Emperador? Anong emperador?" Tanong naman ni Gilyer
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...