Chapter 89: Claud

14 5 1
                                    


"Miko, gusto mo bang ako muna ang magbuhat sa kanya?" Tanong ni Lean sa kaibigang pasan-pasan si Claud

"Ayos lang ako. Ikaw ba dyan Claud?"

"Mmm!" Sabay tango biglang sagot kay Miko

Nasa likuran naman sina Erryel, Cjay, at Daniel at sumusunod sa kanilang pagtakbo pero iba ang bagay na inaalala nila...

"Siguradong hindi pangkaraniwan ang nangyari sa himpapawid kanina na kinailangan pang pumunta ni Master Nok." Sabi ni Erryel

"Hayyy.. sana naman hindi problema yan."

Reaksyon ni Cjay

"Sa tingin ko, mas dapat natin unahin kung anong mangyayari sa batang 'yan. Kakausapin ba natin siya tungkol sa mga nakita niyang nangyari ngayong gabi?" Tanong ni Daniel

- - - - -

Binalikan ni Mark ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa isang maliit na kalye hindi kalayuan sa plaza, ngunit bago sumakay at magdesisyong umalis ay tila paulit-ulit nya naririnig ang mga salita ni Miko...

...

..

.

"Bakit hindi na lang kayo sumama sa amin... Pareho lang din naman ang pinaglalaban natin." Seryosong paanyaya ni Miko

"Hindi ko alam." Ito ang naging sagot ni Mark sabay lakad palayo Buong ngiti namang sumagot si Miko...

"Ihahatid lang namin yung bata sa tatay nya sa may dulo ng siyudad. Magkita tayo dun!"

.

..

...

At sa kalagitnaan ng kanyang pagmumuni-muni ay isang tinig ang narinig niya kasabay ng mga yapak papalapit sa kanya...

"Mark."

"Tsk, sino ka?" Tanong ni Mark sa estranghero

"Nangalap ako ng impormasyon tungkol sa'yo at nandito ako ngayon para alukin ka na sumama sa aming layunin."

"Layunin?"

"Alam kong paikot-ikot ka at mag-isang sinisikap na iligtas ang mga tao sa mga diyablo, pero mula ngayon hindi mo na kailangang maging mag-isa. Kami ang Union, at gagawa kami ng bagong mundo."

"Hmph! Naiintindihan ko na, gumagawa kayo ng sarili niyong bersyon ng Ministry at..."

Pero hindi pa natatapos ni Mark ang kanyang sasabihin ay natigilan na siya dahil naramdaman niya ang kakaibang enerhiya galing sa kanyang kausap...

"Wag ka magkakamaling itulad kami sa Ministry, yan na ang huling babalang ibibigay ko sa'yo."

Agad namang itinutok ni Mark ang kanyang baril sa lalaking nasa harap niya...

"Kapag ipinutok mo yan, ituturi na kitang kaaway, at hindi ka naman hangal para hindi mo malaman ang pagkakaiba ng lakas natin."

At matapos ang sandaling pag-iisip ay ibinaba ni Mark ang baril.

"Pag-isipan mo, naniniwala akong ito rin ang gusto ng mga dati mong kasamahan."

Nanlaki ang mata ni Mark sa gulat sa narinig na sinabi ng lalaki.

"Magkikita ulit tayo. Kung hindi ka papanig sa amin, huwag ka na lang humarang sa daraanan namin dahil kapag ginawa mo 'yon, ituturing na kitang kalaban. At kung sasabihin mo sa iba ang mga sinabi ko sa iyo ngayon, ituturing ko rin silang kaaway." 

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon