Isang lalaki ang mabilis na binabagtas ang siyudad sa kalaliman ng gabi sakay ng kanyang
motorsiklo at huminto sa isang parke sa tapat ng isang puno kung saan sa itaas
nito ay nakaupo ang isang lalaking naglalaro ng yoyo...
"Kamusta JK?" Tanong ng lalaki na sakay ng motor habang nagtatangal ng helmet
"Ikaw ang palaging nag-iikot tapos ako ang kakamustahin mo?"
Sagot ng lalaking nagyo-yoyo na nag-ngangalang JK
Bumaba ang lalaki sa kanyang motor at sumandal sa puno
"Masama ang kutob ko, walong tao ang misteryosong nawala ntiong nakaraang limang
araw..." Kwento ng lalaking naka-motor
"Alam mo Mark, kung kinukutoban ka na spiritual ang pangyayari na yan, nandyan naman
ang Ministry para trabahuin yan..." Sabi ni JK na patuloy pa ring naglalaro ng yoyo
"Hmf, pano natitiis ng isang level 5 na katulad mo na ipagwalang-bahala ang mga ganitong
bagay..." Ani ng lalaking kanina'y nakasakay sa motor na nagngangalang Mark
"Mas nakakapagtaka na nasa Spirit Level 5 ang isang katulad mo na palaging nag-aalala
sa mga bagay-bagay, haha" Sagot ni JK
- - - - -
Malalim ang pagkakahimbing ni Miko at napapanaginipan nya ang mga huling eksena
ng naging laban nila sa mansyon ni Mr. Ganja at pagkatapos noon...
"Salamat Miko, you're my knight in shining armor" Sabi ni Luisa
"Naku wala yun hahaha" Sagot ni Miko habang nagkakamot ng ulo
"Uhmm... pano kaya kita mapapasalamatan?..." Bulong ni Luisa
"Ano ka ba wag mo na isipin yun, haha" Ani ni Miko
Biglang niyakap ni Luisa si Miko at tinignan sa mga mata, namula si Miko
Habang nananaginip naman si Miko ay pinapanuod sya nina Giel at Lean na nasa loob
ng kwarto nya...
"Tignan mo nabutas na yang unan nya kakasipsip at kagat, at ngiti pa ng ngiti, ano naman
kayang kabaliwan ang napapanaginipan nyan?" Tanong ni Lean
Si Giel naman ay di makapagsalita dahil hawak hawak nito ang kanyang bibig habang
nagpipigil ito ng tawa
"Hay sige na gisingin na natin yan" Sabi ni Lean sabay lapit kay Miko
Itinutok ni Lean ang kanyang espada sa mukha ni Miko at sinundot-sundot ang ilong nito
para magising pero hinawakan lang ito ni Miko at tsaka sinubo at sinipsip-sipsip. Napikon
si Lean kaya naman hinampas nya na lang ito ng espada sa noo. Biglang nagising si
Miko, sunod naman ay tinusok ni Lean ang tyan nito para mapabangon agad ito...
"Array! Ano bang problema nyo!" Sigaw ni Miko
"Tanghali na baliw kaya inutusan na kaming gisingin ka..." Paliwanag ni Lean
Lumabas na silang tatlo ng kwarto pagkatapos magpalit ni Miko ng damit at naglakad
na papunta sa opisina ni Master Nok habang naglalakad ay bumulong si Lean kay Giel...
"Na-order mo na ba yung pizza ni Master Nok?"
BINABASA MO ANG
The Ministry
Novela JuvenilThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...