TM 112: Tensyon

8 2 1
                                    

"Master!" Biglang bukas ni Karla ng pinto ng opisina ni Master Nok na noon ay nagkakape at nakikipag-kwentuhan kay Beth

"Oh?" Gulat na reaksyon ni Master Nok

"Anong problema Karla?" Tanong naman ni Beth

"Hindi ko na ma-contact ang telepono nina Lean o ng kahit sinong kasama niyang pumunta sa Central City!" Sabi ni Karla

"Hmm... inalam mo na ba kung may balita galing sa mga networks?" Pagkumpirma ni Master Nok

"Walang anumang ulat o balita ng problema sa mga networks. Malakas ang kutob ko na may nangyayari sa misyon nila..." Sagot naman ni Karla

Tinignan ni Master Nok si Beth at pagkatapos ay tumango ito sa kanya at sunod noon ay tumango naman si Master Nok kay Karla at kahit walang anumang sinabi ay naintindihan nila ang ibig sabihin ni Master Nok...

"Tara." Sabi ni Beth kay Karla sabay tayo mula sa pagkakaupo

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 112: Tensyon

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Mukhang malaki na rin ang itinaas ng antas ng kakayahan mo." Maamong sinabi ni Michael kay Lean nang makitang inilabas nito ang Light Sword

"Kailangan ko pang bumawi sa ginawa mo sa akin noon sa Metro City." Sagot naman ni Lean

"Wag kang kampante. Totoong malaki ang inilakas mo pero kahit katiting ay walang nagbago sa espadang yan, nakakadismaya." Sagot ni Michael

"Sino ba siya?" Tanong ni Agape

"Hindi ito ang oras para magpaliwanagan, dali, kontakin niyo sina Beth!" Sagot at utos ni Lean kay Agape

"Kanina ko pa sinubukan... pero walang signal sa lugar na 'to." Paliwanag ni Agape

"Tsk!" Reaksyon ni Lean 

Natawa naman si Kurt sa naging reaksyon ni Lean at sinabing...

"Mukhang nakapagset-up si Amanda ng jamming device sa loob ng gusaling ito. Kawawa naman kayo..."

"Ang sama mo!" Biglang sigaw ni Mochi na dinugtungan niya ng tanong kay Kurt na "Pa'no mo nagagawang pumatay ng parang wala lang!"

Biglang nagbago at naging seryoso ang mukha ni Kurt sa narinig na isinigaw ni Mochi...

"Yang babaeng nakahandusay dyan, kasamahan namin." Mahinahong sagot ni Kurt bago gigil niyang isinigaw "Nakakairita ang pagmamalinis ng Ministry! Sa palagay niyo ba may pinagkaiba tayo?! Sabihin mo!"

"Kurt..." Pagsaway ni Michael sa galit na galit na si Kurt

Hindi naman nakasagot si Mochi sa gulat sa naging reaksyon ni Kurt...

"Papatayin ko kayo!" Sigaw ni Kurt

Pero biglang nagliwanag at nabalot si Miko ng makapal na spiritual na enerhiya!

"Tumigil ka na..." Sabi ni Miko kay Kurt gamit ang napakalamig na boses

Nanginig naman si Amabii at unti-unting napaatras sa kanyang nakikita...

"Si kuya Miko ba 'to?" tanong sa isipan ni Amabii

Itinutok ni Kurt ang kaliwang hintuturo niya kay Miko at doon ay naipon ang nagliliwanag na enerhiya...

"Kurt..." Pagsaway ni Michael

"Ipapadala na kita kung nasaan na ngayon ang traydor na 'yan." Sabi ni Kurt kay Miko

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon