TM 138: Life Saga VI

40 4 0
                                    


Marahan hanggang sa unti-unting pabilis ng pabilis ang bawat hakbang ni Micca papasugod kay Sandra!

"Hindi pwede 'to!" Komento ni Guiller

"Magtiwala tayo sa kanya!" Madiing sinabi ni Tian kahit bakas sa mukha nya ang labis na pag-aalala

At tumakbo na si Micca ng tondong bilis sa pagsugod!

"Tapos ka na!" Sigaw ni Sandra na humugot ng maraming asido mula sa kaloob-looban nya at buong pwersang ibinuga sa direksyon ni Micca!

Agad namang lumundag ng mataas si Micca sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanyang mga binti at paa gamit ang kanyang spiritual na enerhiya.

"'Yan ang pagkakamali mo." Sa isipan ni Sandra habang pinapanuod ang patuloy na pagbulusok ng idinura nyang asido patungo kina Jovan, Tian, at Guiller!

"Mandaraya!" Sigaw ni Jovan na mabilis hinugot ang kadena mula sa kanyang beywang, binalot iyon ng spiritual na enerhiya at pagkatapos ay mabilis na pinaikot sa kanilang harapan!

"'Wag mo kaming alalahanin, Micca!" Malakas na sigaw ni Tian

Nang muling lumapag sa sahig si Micca ay agad na napansin ni Sandra ang pagbabago sa mga mata nito na nanglilisik at ngayon ay tila wala ng ibang nakikita kundi siya!

"A-ano 'to?" Tanong ni Sandra sa sarili

Pero bago pa niya mahanap ang sagot ay nakalundag na muli si Micca pasugod sa kanya at gamit ang dalawang nagliliwanag na mga kamay ay pinupunterya nito ang kanyang ulo!

"Ang kamay nya... delikado!" Babala ng isipan ni Sandra sa kanyang sarili

Pero bago pa makasabay ang kanyang katawan sa babala ng kanyang isipan ay lumapat na sa ulo niya ang kanang kamay ni Micca!

"Nagawa nya!" Reaksyon ni Guiller habang pinapanuod ang laban

"Tapos ka na!" Sabi ni Micca habang sinusubukan namang ilapat ang kanyang kaliwang kamay sa ulo ni Sandra!

Pero pilit na ibinagsak ni Sandra ang sarili sa sahig at pagkatapos ay mabilis na gumapang na parang isang ahas para makaiwas kay Micca.

"Tsk! Nakaiwas siya." Sabi ni Tian

Lumapat sa sahig ang kamay ni Micca pero kahit isang segundo ay hindi nawala ang tingin ng kanyang mga mata kay Sandra na nagpunta ilang metro sa harapan ng Emperador.

"Ang mga mata nya... natatakot ba ko? Imposible..." Mga tanong na gumugulo kay Sandra na nabasag nang magsalita ang Emperador

...

"Kung hindi mo na kayang lumaban mabuti pa sigurong ipadala na ulit kitapabalik sa impyerno ngayon din."

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 138 - Life Saga VI

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Hoy Sandra natatakot ka ba? Hahahaha!" Pang-aasar ni Ramut

"Tumahimik ka!" Galit na sinabi ni Sandra

Nagsimula naman muling maglakad si Micca papalapit kay Sandra at sa pagkakataong ito ay patuloy na nagliliwanag ang kanyang mga palad...

"Namarkahan na nya kanina ang kalaban ibig sabihin kahit ano sa dalawang kamay nya ang makahawak sa halimaw na yan ay tapos na ang laban." Paliwanag ni Tian

"Pero siguradong mas magiging maingat na ang kalaban ngayon." Dagdag ni Jovan

Agad namang bumuga ng napakaraming asido si Sandra sa kanyang paligid!

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon