Chapter 24: Burpp! Miko at Mochi

37 25 4
                                    


Handa na sila Miko, Giel, Lean, Karla, Beth at Mochi para suyurin ang siyudad at hanapin

ang mga devourers. Nakatayo silang anim sa labas ng FAT...

"Pares-pares tayong mag-iimbestiga sa loon ng limang araw, pagkatapos ay magkita-kita tayo

sa lugar na ito" Sabi ni Karla.

Mula naman sa balkonahe ng FAT ay nakatanaw sa kanila sila Master Nok, Kuya Kan, Luisa at Amabii

"Hahaha! Oh di ba nakakatuwa pagmasdan kung gaano sila kaganado hahaha!" Pahayag ni Master Nok

"Kung ako ang tatanungin di ako papayag sa pagpapares-pares na ginawa nila. Mas magiging mainam siguro

kung naghiwalay sina Karla at Beth. Hindi sa panghuhusga pero sa palagay ko ay walang mararating ang

pagsasama nila Mochi at Miko, siguradong puro kakulitan lang ang gagawin nila..." Sabi ni Kuya Kan

"Hmmm... ganun ba sa tingin mo?" Tanong ni Master Nok

bigla naman sumabat si Luisa sa usapan...

"Pero sa palagay ko maasahan naman si Miko sa mga seryosong sitwasyon, atsaka hindi ba malakas naman

si Mochi." Sabi ni Luisa

"Pero alam din natin na pareho rin silang pasaway at may pagka-isip bata. Bukod dun pareho silang

malakas kumain kaya malamang maubos lang ang limang araw nila sa kakafood trip." Sagot ni Kuya Kan

"Aba hindi naman siguro magkakaganun kuya, alam naman nila pareho kung ano ang dapat gawin. Sa

palagay ko dapat tayong magbigay ng tiwala sa kanila" Ani naman ni Luisa bilang pagtutol sa sinabi

ni kuya Kan.

Si Amabii naman na napapagitnaan nilang dalawa ay nasasabaw na habang nakikinig sa kanilang pagtatalo

kaya naman tinakpan na lamang niya ang kaniyang tainga...

"At teka nga, bakit ba masyado mo silang pinagtatanggol?" Tanong ni kuya Kan kay Luisa

Namula si Luisa ng marinig ang tanong ni kuya Kan at umiwas ng tingin...

"Hindi naman sa pinagtatanggol ko sila..." Bulong ni Luisa

"Talagang ha... obvious kaya." Bulong ni Amabii

"Naku! Hindi ah!" Sigaw ni Luisa kay Amabii

Si Master Nok naman ay hindi nakikigulo sa pagtatalo nila bagkus ay nakatingin kina Giel at Lean...

"Sa tatlong pares na ito... sa kanilang dalawa ako pinaka-kinakabahan." Sa isip ni Master Nok.

- - - - -

Naghihiwalay na ng landas ang tatlong pares at nagtungo sa iba't ibang lugar ng siyudad. Sina Karla

at Beth ay piniling pumunta sa pinakamalaking Mall sa siyudad...

"Beth, sa palagay mo ilang porstyento ang pag-asang maisagawa natin ang misyon na ito ng walang

nagiging problema?" Tanong ni Karla

"Hmm... hindi ko sigurado kung makakakuha man lang ng impormasyon sina Miko at Mochi pero sa palagay

ko ay wala naman silang magiging problema. Sa kaso naman nina Giel at Lean, maaaring makakuha sila

ng mahalagang datos pero pag tinitignan ko silang dalawa malaki rin ang tsansa na masusuong sila sa

problema." Sagot ni Beth

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon