Chapter 16: Malaya

118 65 1
                                    

Nakita nila si Giel na unti-unting tumatayo at may lumalabas muling spiritwal na enerhiya sa katawan...

"Hindi pa ako tapos sa'yo..." Sabi ni Giel habang nakatingin kay Django

"Hmm... nakakatayo ka pa pala, pero ganun pa man hindi pa rin magbabago na wala

talagang kwenta ang pagkakalikha sa mga tao. Para lang kayong ginawa para

paglaruan hahaha!" Sigaw ng Diyablo na nasa loob ni Django

Pagkasabi nito ay itinaas nito ang kanyang kanang kamay at dumaloy muli dito ang

maraming masamang enerhiya

"M-miko, di nyo naman kailangang harapin ang ganito para lang sa akin. Umalis na

kayo" Sabi ni Luisa habang nakatingin kay Django

"Hindi lang to tungkol sa'yo Luisa... Isang Diyablo ang nasa harapan natin at

binababoy nya ang pagkakalikha sa ating mga tao. Hindi namin ito mapapalampas."

Sagot ni Miko habang hawak-hawak ang Spirit Ball

"Hahaha! Masyado ng mahaba ang dramahang ito. Ngayon sino sa inyo ang una 

kong tatapusin?" Tanong ng Diyablo habang isa-isang tinitignan sina Miko, Luisa, Giel at Lean

Si Lean naman ay tahimik na nag-iisip habang iniikot-ikot sa kanyang kamay ang

espada nya

"Mukhang naibalik ng bahagya ng gamot na iyon ang lakas ni Miko pero si Giel... parang di man lang nabawasan ang enerhiya nya mula kanina. Tamang tama, sa Pagkakataong ito, aatake ako sa paraang di inaasahan" Sa isip ni Lean

- - - - -

Samantalang, magkasama namang nagkakape sina Master Nok at Kuya Kan sa FAT...

"Sa palagay mo po magiging ayos lang sila?" Tanong ni Kuya Kan

"Hmm... syempre naman" Sagot ni Master Nok

"Pero pare-pareho pa lang silang baguhan, sina Miko at Giel ay nasa Level 2 pa lang at si Lean malamang ay nasa Level 3 lang." Paliwanag ni Kuya Kan

"Totoo, mahina pa sila kung ang Spirit Level ang pagbabasehan pero di ba't magandang pagkakataon ito para mahasa sila? Hahaha" Sagot ni Master Nok

"Kung sa bagay, simple lang naman ang misyon kung tutuusin pero sa tingin ko magiging kumplikado yun dahil may pagka-pasaway silang tatlo." Sabi ni Kuya Kan

"Hahaha, yun ang nakakatuwa. Si Lean ay nakakalamang sa kanilang tatlo pagdating sa karanasan at lohikal din siya mag-isip kahit na sa mga alanganing sitwasyon. Si Giel naman ay mahina kung titignan at malaking bahagi ng pagkatao niya ang di malinaw sa kanya  pero nakikita kong magiging magaling at malakas sya balang araw. At si Miko naman,... hmm... ano nga ba? Well, maaga nyang natutunan ang Spirit Ball." Paliwanag ni Master Nok

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon