Pinatuloy nila si Russel at naging natural naman ang kanilang pagtanggap dito lalo na't inasahan naman nina Beth at Karla na babalik ito at malamang ay maraming dalang katanungan patungkol sa mga nangyari...
"Kamusta ka?" Tanong ni Lean kay Russel habang salo-salo silang kumakain ng almusal
"Ayos naman kuya." Sagot ni Russel
"Ano namang sabi ng nanay mo?" Sunod na tanong ni Lean
"Ayos lang daw, buti daw at may naisipan na akong gawin sa buhay ko." Sagot ni Russel
Sumabat si Miko na nagtanong... "Bakit bro madalang ka bang lumabas ng bahay kaya natuwa siya na bibisita ka dito?"
Hindi nakasagot ni Russel at napatigil din sa pagkain ang iba pa dahil batid nila kanina pa na gusto ni Russel na mamalagi na sa FAT at maging bahagi ng Ministry.
"Uhmm... may problema ba sa tanong ko?" Tanong ni Miko sa lahat
Napabuntong-hininga sina Beth at Karla at nagkatitigan bago sinabihan ni Karla si Miko na "Kumain ka na nga lang dyan?"
"EH!... may mali ba akong nasabi?"
Reaksyon ni Miko at pabulong na tanong niya kina Lean at Giel Kibit balikat lamang ang isinagot ng dalawa sa kanya.
- - - - -
Iniikot nina Karla at Beth si Russel sa ilang lugar sa FAT at ang huli nilang pinuntahan ay ang kwarto kung saan lalagi si Russel...
"Ito ang magiging kwarto mo, pasensya na hindi kalakihan." Sabi ni Karla habang binubuksan ang pinto
"Okay! Haha, mas malaki 'to ng kaunti kaysa sa kwarto ko" Sagot ni Russel sabay lapag ng gamit sa higaan
"Maiwan ka muna namin..." Sabi ni Beth
Ngunit ng isasara na nila ang pinto ay biglang sinabi ni Russel...
"Teka lang po, may hindi pa kayo pinapaliwanag sa'kin."
Hindi agad sumagot ang dalawa at tahimik lang silang nagtititigang tatlo...
"Wala akong malay noon, pero sigurado akong may mga kakaibang bagay na nangyari..." Pambungad ni Russel
Huminga ng malalim si Karla bago niya sinabing...
"Ako na muna ang bahala dito Beth."
"Okay." Sagot ni Beth sabay sara ng pinto at iniwan niya si Karla sa loob.
- - - - -
Pagsapit ng dilim, mag-isa si Giel na nasa tabing dagat at nakatanaw sa mga bituin sa malawak na kalangitan, nabasag naman ang kanyang pag-iisa at napalitan ng gulat dahil isang tinig ang nagsalita mula sa kanyang likuran...
"Medyo tahimik ka mula ng makabalik tayo." Sabi ni Janine
"Tsk." Reaksyon ni Giel sabay pulot ng bato at hagis sa tubig
"At palihim ka pang nakiki-usisa sa pinag-uusapan namin kagabi..." Dugtong ni Janine
"Ano ka ba talaga? Bakit mo naisip 'yon?" Tanong ni Giel
"Ang pagpasok sa Asylum? Bago ko sagutin 'yan siguraduhin mo 'ding handa kang sagutin ang itatanong ko..." Sagot ni Janine
"Ikukulong mo ang sarili mo dahil lang takot ka sa kapangyarihan na ibinigay sa'yo?!" Seryoso at madiing tanong ni Giel
"Oo! Ikaw, kagaya ng itinanong mo sa'kin... Sino ka ba talaga?" Tanong ni Janine
Natigilan si Giel sa narinig. Isang simpleng tanong na hindi niya kayang sagutin. Lumapit si Janine at hinawakan siya sa balikat...
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...