Chapter 88: Huling Delubyo

14 6 1
                                    


Hindi pa tuluyang bumababa ang tensyon sa isipan ng presidente pagkatapos malaman na nagtagumapay sina Master Nok sa kanilang operasyon sa Metro City ay biglang nagsalita ang isa niyang tauhan na nasa monitor

"Sir! May report po galing sa weather department!"

"Ano ka ba, hindi naman ganun ka urgent ang weather forecast sa ganitong sitwasyon!" Sagot ng presidente

"May biglaan daw pong namumuong matitinding sama ng panahon sa atmosperya ng Metro City!"

"Ano?!" Sabay na reaksyon nina Master Nok at ng presidente

"Imposible naman ata na biglang may mamuong malaking bagyo sa ibabaw ng kaulapan, baka nagkakamali sila!" Paglilinaw ng presidente

Pero iba na ang tumatakbo sa isipan ni Master Nok ng mga sandaling iyon...

"Isa ba itong spiritual na delubyo? Hindi pwede. Nangyayari lamang iyon kapag nagsasama-sama ang mga spirit masters sa iisang lugar, at nagaganap lang iyon kada pitong-taon kapag nagpupulong ang konseho sa Meggido."

"Mr. President, kakaiba po talaga, kasabay ng pagbuo ng malaking ipo-ipo sa ibabaw ng kidlat ay nagkakaroon din ng mga kidlat paikot dito. Kailangan po natin ilikas ang mga tao!"

"Ano?! Nok anong ibig sabihin nito!" Tanong ng presidente kay Master Nok

Pero nsa gitna pa rin ng malalim na pag-iisip si Master Nok...

"Para mangyari ang ganitong kakaibang spiritual na aktibidad sa lugar na ito, ibig sabihin ang spiritual na kapangyarihan ng mga taong nasa Metro City at kalapit bayan nito ay kapantay na ng sa sampung Spirit Masters... at kung nangyari ito sa ibang lugar bukod sa Meggido ito na ang pinakahuling delubyo... ibig bang sabihin ay totoo ang mga propesiya patungkol sa pagbabalik ng prinsipe ng kadiliman?"

"Nok!" Sigaw ng presidente

At natauhan si Master Nok mula sa kanyang malalim na pag-iisip...

"Kailangan ko ng sasakyang panghimpapawid. Pupunta ako ngayon sa Metro City."

- - - - -

Hindi naman na mapakali si Mochi sa loob ng Black Dove na noon ay lumilipad sa ilalim ng mga ulap sa ibabaw ng gusali nina Dr. Mujin...

"Kailangan ko na silang makausap para makaalis na kami, kaasar sira pa rin ang communication lines namin dahil sa kagagawan ng radar na 'yon!" Sa isip ni Mochi habang tinitignan ang radar sa ibabaw ng gusali at pagkatapos ng ilang sandali ng pag-iisip...

"Grr... bahala na! mini missile lang naman."

Pinindot ni Mochi ang isang buton at isang missile ang bumulusok mula sa Black Dove patungo sa ibabaw ng gusali...

"Ooops... medium pala yung napindot ko."

BOOOOOOMMM!

Sumabog ang buong rooftop ng gusali at kasamang nabura ang radar na pinagmulan ng enerhiyang humahadlang sa komunikasyon.

"Lagoooot... pero di bale."

Kinuha ni Mochi ang communication device ng Black Dove at sinubukan ito.

Sa loob naman ng gusali ay naramdaman ni Jay ang malakas na pagyanig dahil sa ginawa ni Mochi. Naglakad ang lalaki papalapit sa bintana at sinilip mula doon ang Black Dove sa himpapawid. At nang mapansin niya ang atmospera sa ibabaw ng Black Dove ay napangiti siya...

"Hmm... isang kalat pa ang mabubura."

- - - - -

"Hello, hello..."

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon