Chapter 63: Tahanan

20 7 0
                                    


Ilang oras bago maganap ang pagpupulong kung saan inilahad ni Master Nok kung sino ang mga pupunta sa misyon sa Metro City ay magkausap sila ni Karla sa opisina...

"Kung ang pagbabasehan ay ang kwento mo sa mga nangyari noong kalaban niyo ang mga devourers, lumalabas na talagang kulang na kulang siya sa kakayahan sa pakikipaglaban..."

Sabi ni Master Nok na ang tinutukoy ay si Giel

"Ganon na nga. At sa sitwasyon ngayon at sa laki ng Metro City at dami ng tao na maaring madamay, hindi ko maipapangakong kaya ko siyang protektahan habang nakikipaglaban. Bukod pa 'yon sa mga pagkakataong nagpapadalos-dalos siya." Sagot ni Karla

"Hay, kung kailan wala pa naman sina Beth at Janine..."

Sabi ni Master Nok sabay buntong-hininga

- - - - -

"Kung pagtatalunan natin kung bakit di siya sasama, mas maganda sigurong tanungin natin kung bakit hindi kasama si Master Nok."

"Kung malaki ang problema, mas magiging madali ito kung sasama ang isang Spirit Master na katulad mo..." Dugtong ni Cjay

"Napag-usapan na rin namin yan, pero mukhang may mas mahalagang papel na gagampanan si Master Nok..." Pagsagot ni Karla

"Mas mahalagang papel?" Tanong ni Miko

"Ang presidente..." Sagot ni Karla

"Ano naman ang problema sa presidente? May kinalaman ba siya sa mga nangyayari dito?!" Tanong ni Miko

"Tama na yan! Magpahinga na kayo at maghanda para bukas." Utos ni Master Nok.

"Kalaban ba ang presidente?!" Muling tanong ni Miko

"Masyadong mahaba kung ipapaliwanag ko ngayon! Pero wag ka mag-alala dahil hindi siya kalaban." Sagot ni Master Nok

Nakahinga ng maluwag si Miko sa narinig na sagot ni Master Nok... at iyon ay dahil di niya narinig ang kadugtong noon nasa isip lamang ni Master Nok...

"Pero hindi rin ibig sabihin noon ay kakampi natin siya."

- - - - -

Samantalang sa Central City kung nasaan ang opisina at tahanan ng presidente...

"Ilagay na sa quarantine ang buong Metro City." Utos ng presidente sa kanyang punong-heneral

"Naglagay na kami ng mga checkpoints sa lahat ng daan papasok at palabas ng Metro City. Papasukin na namin mamaya ang siyudad at ilalagay muna ito sa kontrol ng militar lalo na ngayong kahit ang mismong mayor ay hindi na natin ma-contact sir." Sagot ng heneral

"Huwag. Palibutan niyo lamang ang siyudad pero wag kayong papasok. Hindi natin alam ang eksaktong nangyayari." Utos ng presidente.

"May iba po ba kayong kutob sa pangyayaring ito? Tinitignan ko na rin ang anggulong kudeta lalo na ng mapag-alaman namin na nasa Metro City si Ex-general Musni." Tanong naman ng Heneral

"Sa totoo lang ipagpapasalamat ko pa kung kudeta nga ito. May tao muna akong dapat kausapin patungkol sa problemang ito." Sabi ng Presidente

- - - - -

Naiwan sa silid kung saan sila nagpulong sina Miko, Lean, at Giel. Bakas sa mukha ni Giel ang lungkot dahil hindi siya makakasama sa susunod na misyon. Umupo si Lean sa tabi niya at tinapik siya nang bahagya sa balikat.

"Ayos lang yan, kanya-kanyang toka lang." Sabi ni Lean

"Kung kakausapin ni Master Nok pati ang presidente, ibig sabihin napaka-seryoso talaga ng bagay na ito." Biglang banggit ni Miko.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon