Chapter 82: Lorenz

19 8 1
                                    


"Hindi ko alam na madali ka palang sumuko... Karla." Salita ng taong nasa harapan ni Karla

Tiningala ni Karla ang lalaking nasa kanyang harapan na nagpatuloy sa pagsasalita...

"Ang sabi mo dati ay hahanapin mo ang taong responsable sa proyektong kinailangan ninyong pigilan nila Beth at Naem noon. At doon mo pa lamang masasabi na natapos niyo na ang inyong unang misyon."

Dahan-dahang nilingon ng lalaki si Karla na alam niyang kilala siya...

"I-ikaw si... Lorenz."

"Buti naman hindi mo ko nakalimutan."

"Bakit nandito ka?"

"Pinapunta ako ni Master Nok. Tama nga ang sinabi niya na may pagka kumplikado ang misyon na 'to."

Tinignan ni Karla muli ang dambuhalang leon na kinakalaban niya kanina na ngayon ay nanginginig at nahihirapang tumayo...

"Paano mo nagawang?... Hindi gumagana ang spiritual na enerhiya dyan?" Tanong ni Karla

"Nakalimutan mo na ba?" Tanong ni Lorenz kay Karla

"Ang Endless Tuning Fork?!" Biglang reaksyon ni Karla

"Tunog ang ginamit ko para atakihin siya hindi purong spiritual na enerhiya. Ang tunog ay produkto ng mga vibrations at gaya ng alam mo na nagagawa kong gumawa ng vibrations gamit ang aking spiritual na enerhiya. At kaya ko rin silang kontrolin para idirekta sa direksyon kung saan ko gusto. Ginawa ang halimaw na ito na may mga pandama kaya naman sinaksakan ko agad ang kanyang pandinig ng mga vibrations napaulit-ulit na tumatalbog sa isa't isa at sa loob ng tainga." Paliwanag ni Lorenz

"Gaya ng dati, sinisimulan niya ang laban sa paggamit ng Endless Tuning Fork. Gumagawa ang kakayahan niyang iyon ng nakakangilong tunog sa tainga na nagpapahirap sa takbo ng sistema ng pag-iisip ng target at hindi iyon nawawala sa loob ng pito hanggang sampung araw." Sa isip ni Karla

Tumingala si Karla sa direksyon kung nasaan si Dr. Mujin at nakita niya na basag na ang salamin na namamagitan sa kwartong iyon at sa kwarto kung nasaan sila...

"Anong ginawa mo sa kanya?!" Tanong ni Karla

"Binasag ko na ang ear drums nya. Hindi na siya makakarinig pa."

"Masyado ka atang naging marahas..."

"Wag ka mag-alala, buhay naman sya." Panigurado ni Lorenz

Naglakad si Lorenz papalapit sa dambuhalang leon na sinusubukan pa ring bumangon...

"Hindi tumitigil ang sangkatauhan sa paglikha ng mga sandatang maaring magwasak sa kanila." Pahayag ni Lorenz habang dahan-dahang inilalapat ang kamay sa harapang kanang paa ng halimaw

Unti-unting nakita napansin ni Karla na nagkakaroon ng mahina nguit pabilis ng pabilis na panginginig sa bahaging hinawakan ni Lorenz.

"Level 8 lamang siya nung huli kaming magkita pero ang sabi ni Master Nok noong mapag-usapan namin siya ay malamang nasa Level 9 na ang spiritual na antas niya. Napakalapit na niya sa antas ng isang Spirit Master, o maari kayang naabot na niya iyon?"

Ito ang tumatakbo sa isipan ni Karla habang pinapanuod si Lorenz

"Ha!"

Isang malumanay na sigaw ang pinakawalan ni Lorenz at pumutok at humiwalay sa halimaw ang paa nito...

"Winawasak niya ngayon ng walang kahirap-hirap ang kalabang hindi tinatablan ng mga pag-atake ko..."

Pinagpatuloy ni Lorenz ang kanyang ginagawa hanggang sa tuluyan ng mawasak ang dambuhalang Leon na likha ni Dr. Mujin.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon