TM 94: Love Saga I

21 5 2
                                    


Sa bawat hakbang sa lugar na nababalutan ng kadiliman ay naririnig ni Miko ang paglapat ng paa niya sa basang sahig katulad ng pagpatak ng tubig sa isang sapa. Madilim ang paligid ngunit nakikita niya ng maliwanag ang kanyang mga kamay at paa...

At isang patak ang narinig niya sa kanyang likuran...

At sa paglingon niya ay nakita niya ang imahe ng isang kaibigang nakatalikod sa kanya...

"Giel!"

Ngunit hindi ito lumilingon sa pagtawag niya...

"Giel!"

Sabay takbo papalapit sa kaibigan na naabot naman ng kanyang mga kamay sa balikat sa ilang hakbang lamang...

At nang lingunin siya nito...

"Haaa!"

Kasabay ng isang sigaw niya ay ang biglaang pagkagising niya mula sa pananaginip, kasunod noon ang malalalim na paghinga...

"Ayos ka lang ba?" Tanong nang katabi niyang babae

Dahan-dahang ibinaling ni Miko ang atensyon niya sa katabi...

"Luisa..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 94: Love Saga I

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Banayad ang paglipat ng eroplanong kanilang sinasakyan sa ibabaw ng mga ulap sa ilalim ng bughaw na himpapawid. Isang magandang araw...

"Your water ma'am."

"Thank you."

At inaabot ni Luisa kay Miko ang tubig na ibinigay ng attendant at tinanong niya ito...

"Binabangungot ka, si Giel ba?"

Pagkainom at tumango lamang si Miko at sinabing "Ayos lang ako."

"May hindi kami sinabi sa inyo nung gabing nasa Metro City kayo..." Sabi ni Luisa

"Alam ko naman 'yon, nakipaglaban siya 'di ba?" Sagot ni Miko sabay tingin sa bintana

"Gusto niyang ilihim yun sa inyo." Sabi ni Luisa pagkatapos nang malalim na paghinga

"Hindi naman niya na kailangang sabihin 'yon." At nilingon muli ni Miko si Luisa bago itinuloy ang kanyang sinasabi...

"Ganun naman ang magkakapatid."

- - - - -

"Ganito pala kalayo ang lugar ninyo." Sabi ni Luisa

"Isa't kalahating oras na byahe sa bus mula sa airport tapos 40 minutes sa bangka, tapos... heto mga 30 minutes na lakad. Pagod ka na ba?" Tanong ni Miko sabay hinto

"Hindi ah!"

"Eh bakit parang hinihingal ka?" Sunod na tanong ni Miko

"Kasi..."

"Kasi?..."

"Wala lang."

"Hayyy... ano ba kasi yun?" Muling tanong ni Miko

"Kasi ano... Ayos lang ba sa kanila na kasama mo ko?" Kabadong tanong ni Luisa

"Huh? Bakit naman hindi?"

"Wala naman."

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...

"Spirit Master ang papa mo 'di ba?"

"Ahh oo, malapit silang magkaibigan ni Master Nok. Napalipat lang kami dito sa Free End Islands nang madestino si papa dito sa timog kanluran."

"Hmm... bahay niyo na ba yang..." Tanong ni Luisa sabay turo sa natatanaw niyang nag-iisang bahay.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon