Chapter 45: Blinding Flash!

19 15 0
                                    


Mabilis na humakbang si Lean paabante at pasugod kay Dilan na naging sanhi para mahugot ang malaking gunting na nakabaon sa kanyang tagiliran...

"Hangal." Sa isip ni Dilan

Ang enerhiyang naipon sa mga daliri ni Dilan ay biglang naghugis na tulad ng sa mga matatalim na karayon at lumipad patungo sa direksyon ni Lean. Agad namang inilabas ni Lean ang kanyang Astral Shield para salagin ang pag-atake ni Dilan. Samantalang, ang scissorman na nasa likod ni Lean ay agad ding lumundag para sugurin sya. Lumingon si Lean na nanlilisik ang mga mata at agad na nagliwanag ang kanyang espada sabay ikot ng mabilis...

"Cyclone Slash!"

Nakatalon si Dilan kaya naiwasan nya ang atake ni Lean. Nahati naman sa gitna ang katawan ni Scissorman...

"Hindi pa ko tapos" Sabi ni Lean na agad lumapit sa nahating katawan ni Scissorman at hiniwa nya pa ito ng anim na beses.

Nagkapira-piraso ang katawan na walang buhay at ang malaking sandatang gunting ay nahulog sa sahig.

"Tsk." Reaksyon ni Dilan

Nag-ipon ulit si Dilan ng enerhiya sa kanyang mga daliri at gaya ng mga nauna ay naging mga parang matatalim na bagay iyon at inihagis nya papunta kay Lean. Ginamit naman muli ni Lean ang Astral Shield para dumepensa...

"Ngayon, wala na ang laruan mo..." Sabi ni Lean

Pagkatapos sabihin iyon ay naramdaman ni Lean na ang malaking gunting na nasa kanyang likuran na kasama ng mga piraso ng nasirang katawan ni scissorman ay gumalaw patungo sa kanyang direksyon. Agad namang ibinagsak ni Lean ang kanyang katawan sa sahig para maiwasan iyon. Dumiretso ang malaking metal na gunting papunta kay Dilan na sya namang sinalo nito.

"Nakokontrol nya pati ang bagay na yun... ibig sabihin balot din yun ng kanyang masamang enerhiya..." Sa isip ni Lean

"Sayang naman..." Bulong ni Dilan habang nakatingin sa mga piraso ng katawan ni scissorman

Pagkatapos noon ay tinignan nya si Lean na unti-unting bumabagon mula sa sahig at sinabing...

"Di bale.... mukhang nakahanap naman na ako ng kapalit nya." Sabi ni Dilan sabay ngiti

Nag-ipon muli si Dilan ng enerhiya sa kanyang mga daliri at inihagis kay Lean. Nagawa itong iwasan ni Lean ngunit agad ding sumugod si Dilan palapit sa kanya at inatake sya gamit ang malaking gunting. Sinalag ito ni Lean ng kanyang espada...

"Hahehehe!" Tawa ni Dilan sabay sipa sa parte ng katawan ni Lean na may malalim na sugat

Nanlambot si Lean at napa-atras... sinundan naman agad nito ni Dilan ng sunod sunod na pagsugod gamit ang gunting at ang tanging nagagawa ni Lean ay salagin ito gamit din ang kanyang sandata. Matapos ang ilang minuto ay tumigil din si Dilan at dumistansya kay Lean.

Nagsimula ng lumalim ang paghinga ni Lean tanda na nagsisimula na syang manghina dahil sa pagkawala ng dugo dulot ng kanyang sugat...

"Bakit ka pumunta sa lugar na ito? Mamamatay ka tuloy at pagkatapos ay wala namang makaka-alala sa iyo." Panghahamak ni Dilan

Nanatili lamang tahimik si Lean habang pinakikinggan ang sinasabi ng Diyablo...

"Mamamatay kang mag-isa katulad nya..." ang tinutukoy ni Dilan ay si scissorman

"susunod ka na sa kasama mong nauna nang nahuli ng patibong ko"

ang tinutukoy naman ni Dilan ngayon ay si Giel

"ang tanging mga taong naghanap sa kanya ay iyong mga interesado lang kung totoo ang alamat, wala ni isang dumating para magpakita ng pagmamalasakit. Bakit? Dahil iyon ang likas sa inyong mga tao. Hindi totoo ang pagkakaibigan. Ginagamit nyo lamang ang salitang pamilya at pagkakaibigan para pagtakpan ang pagiging makasarili ninyo. Ganun kayong mga tao. Nag-iisa ka ngayon dito pero walang darating para sagipin ka... Walang ipapadala ang Diyos mo dahil hindi totoong mahal ka nya." Sabi ni Dilan

Sa puntong iyon naalala ni Lean ang mga tagpo noong una silang magharap-harap nila Master Nok, Miko at Giel at ang mga katagang binitawan ni Master Nok noon ay...

"Hindi mo maaring ituring na di totoo ang isang bagay base lamang sa kakaunting alam mo..."

inulit iyon ngayon ni Lean ng malakas para marinig ni Dilan.

Pagkatapos ay itinaas ni Lean ang kanyang espada at ipinantay sa kanyang mata ng pahalang. Si Dilan naman ay muli na namang nag-ipon ng enerhiya sa kanyang mga daliri...

"Hayaan mong patunayan ko sa'yo na tama ako sa pamamagitan ng iyong kamatayan!" Sigaw ni Dilan sabay hagis ng kanyang enerhiya na nag-anyong mga patalim patungo kay Lean

"Astral Shield!" Sabi ni Lean

Sinalag muli ni Lean ang mga iyon gamit ang kanyang Astral Shield.

Mabilis na sumugod si Dilan palapit kay Lean para saksakin ito ng malaking gunting na balot ng kanyang enerhiya ngunit naharang din ito ng Astral Shield. Pilit na idinidiin ni Dilan ang sandata sa Astral Shield ni Lean...

"sumuko ka na..." sabi ni Dilan kay Lean

Ngiti lamang ang isinagot ni Lean, at unti-unti ay nagsimulang magliwanag ang kanyang espada na nakapahalang pa rin sa kanyang mukha, pumikit si Lean...

"Sword-shield combo, blinding flash"

Lubusang nagliwanag ang espada at tumalbog at liwanag sa Astral Shield ni Lean na gawa rin sa spiritual na enerhiya. Lumikha iyon ng sobrang nakakasilaw na liwanag na bumalot sa buong kwarto na naging dahilan para mailang si Dilan...

"Aaaah!" Sigaw ni Dilan sabay takip ng kanyang mga mata...

Sinamantala ni Lean ang sandaling iyon para lumundag palayo at ihagis ang kanyang espada papunta kay Dilan... naanininag naman iyon ni Dilan at nagawa niyang iwasan, bumaon ang espada sa posteng bato na nasa kanyang likuran...

"Wala na sa kanya ang kanyang sandata, wala na syang magagawa..." Sa isip ni Dilan...

Dali-daling sinugod ni Dilan si Lean...

"Tapos ka na!" Sigaw ni Dilan

Nang makalapit sya kay Lean ay nagliwanag ang kamay ni Lean at ang espadang nakabaon kanina sa poste ay agad na napunta sa kanyang mga kamay...

"Flash draw!"

Nagulat si Dilan sa bilis ng mga pangyayari ngunit bago pa man nya maintindihan kung ano iyon ay humiwalay na ang kanyang ulo sa iba pang bahagi ng kanyang katawan. Inihagis naman agad ni Lean ang espada patungo sa ulo ng kalaban na nasa sahig, bumaon ito at naglaho sa liwanag nito ang ulo na nasa sahig.

- - - - -

Hinabol ni Beth si Tera hanggang marating nila ang bulwagan ng trono ng kastilyo. Dahan dahang lumingon si Tera kay Beth at sinabi...

"Sa lugar na ito ako sasambahin ng mga tao."

Lalong naging seryoso ang mukha ni Beth sa narinig...

"Dito na rin magwawakas ang kahibangan niyo." Sagot ni Beth

- - - - -

Mag-isa ngayon si Giel sa isang madilim at maliit na lugar na punong-puno ng masamang enerhiya ng diyablo. Ito ang patibong na tinutukoy ni Dilan,... at ang tanging maririnig mula sa lugar na ito ay mga ungol ng isang taong kinakain ng kadiliman.


[Itutuloy...]

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon