TM 101: Bagong Simula

11 1 1
                                    


Malalim ang paghinga ng babaeng duguan at wala ng kanang braso habang nakasandal sa isang malaking puno habang nasa kanyang kanlungan ang dalawa niyang kasamang lalaki na tuluyan ng nalagutan ng hininga...

Ilang sandali bago ang kanyang inaasahang pamamaalam ay pilit niyang tiningala ang brusko at malahayop na imahe ng diyablong nagdala ng kanilang katapusan...

"Binigyan kayo ng Diyos ng pag-iisip, bakit kayo lumalaban sa akin kahit alam naman ninyo ang kauuwian nito?"

Hirap man ay pinilit ng babaeng ngumiti bago sumagot...

"I-ikaw... ang di nakakaalam ng kauuwian nito..."

"Umaasa kang makakatakas siya sa mga alagad ko? At kahit na makatakas siya, umaasa kang maipaghihiganti niya kayo?"

Matagal na nakatingin lamang ang babae at hindi nakasagot kaya naman nagpatuloy ang diyablo sa pagsasalita kasabay ng malakas na pagtawa...

"Ako ang emperador! Ako ang maghahari sa mundong ito! Kahit ang prinsipe ng kadiliman ay luluhod sa akin sa oras na magbalik siya sa mundong ito!"

Sa kalagitnaan ng kanyang pagtawa ay pilit namang inabot ng babae ang kanyang kaliwang paa gamit ang kaliwang kamay nito.

"Hmmm... humihingi ka ba ng awa?"

Biglaang nagliwanag ang kamay ng babae na nakahawak sa paa ng diyablong tinawag ang kanyang sariling emperador!

"Ikaw na ang bahalang tumapos nito..." Sa isipan ng babae.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 101: Bagong Simula

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Humihingal habang nakabagsak sa sahig si Russel sa harapan ng kanyang mga kasamahan...

"Grabe! Hindi man lang siya nakatama kahit isa kay Sir Lean." Reaksyon ni Amabii

Naglakad si Lean papalapit kay Russel para alalayan itong tumayo.

"Kaya ko pa sir..." Bulong ni Russel

"Tama na yun, magpahinga ka na, mabilis kang natututo sa bawat training." Sagot ni Lean

"Isa't kalahating taon ng pagsasanay, pero hindi pa rin ako makatama kahit isang suntok lang." Sa isip ni Russel habang naglalakad papunta kina Amabii

Mula naman sa balkonahe ay nakadungaw sina Karla at Beth at pinapanuod ang nagaganap na ensayo at pagtuturo ni Lean...

"Malaki na rin naman talaga ang pinagbago at iginaling nila, sadyang masyado nga lang naging mabilis ang pag-unlad ni Lean parehong sa katawan at spirito." Banggit ni Karla

"Dahil kaya sa nangyari sa Depth Gloriosa isa't kalahating taon ang nakalipas?" Tanong ni Beth

"Maaari. Kung naging mabigat para kay Miko na masaksihan na mangyari yon sa kanyang harapan, mabigat din para kay Lean dahil wala man lamang siya doon. Hindi niya man lang masagot sa sarili niya kung may magagawa kaya siya para sagipin si Giel o wala." Sagot ni Karla

"Iyon lang ba talaga 'yun?" Paglilinaw ni Beth

"Teka, ano ba kasing nasa isip mo Beth?" Tanong ni Karla

"Wala naman... siguro nagugulat lang din ako dahil ang kakayahan at lakas niya ngayon ay nasa level 6 na kahit hindi pa niya ginagamit ang kanyang espada."

"Amabii!" Sigaw ni Lean

"Sir?" Gulat at nanginginig na reaksyon ni Amabii

"Subukan mo."

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon