Chapter 25: Isang Bagay Tungkol kay Giel

32 23 0
                                    


Habang malayo ang tingin ay isang lalaking may dalang kape ang lumapit kay Miko...

"Pwede bang maki-upo..." Sabi nito kay Miko na nakapukaw ng atensyon nito

Ang lalaking ito ay si JK...

Hindi agad nakasagot si Miko bagkus ay tinignan nya muna si JK ng ilang segundo...

"Ayos lang ba?" Dugtong ni JK habang nilalapag ang kape sa mesa

"Ah... oo naman." Sagot ni Miko

At umupo na si JK sabay dukot ng cellphone mula sa kanyang bulsa at tila nagbasa ng mga mensahe

"Hmp, nagtanong pa sya eh halata namang uupo sya kahit di ako pumayag." Sa isip ni Miko

Pagkatapos ng sandaling pagbabasa ni JK ng mga mensahe ay itinago nya ulit ang kanyang cellphone sa bulsa at tsaka kinuha ang kape para inumin. Inoobserbahan naman ni Miko ang bawat kilos nya.

Matapos ang ilang higop ay inilapag ulit ni JK ang tasa...

"Masarap din talaga ang kape nila dito!" Sabi ni JK habang sabay ngiti kay Miko

"Ah... ngayon ko pa lang matitikman haha!"

Bumukas naman ang telebisyon na nasa coffee shop at sakto na isang kapapasok lamang na balita ang palabas at ito ay tungkol sa dalawang lalaking napatay sa palengke ilang kilometro lang ang layo

mula sa coffee shop kung nasaan sila Miko.

"Hayy... masyado na talagang magulo ang mundo." Reaksyon ni JK habang may hinuhugot na bagay mula sa kanyang bulsa

"Kawawa naman, ano kayang dahilan... waah!" Tanong ni sana ni Miko na naputol ng magulat sya dahil

biglang inihagis ni JK ang kanyang yoyo papunta sa gilid ng pisngi ni Miko. Sa gulat ay inihilig ni Miko

ang kanyang ulo pakanan dahil akala nya ay tatamaan sya nito kaya naman nauntog sya sa salamin...

Pagbalik ng yoyo ay sinalo ito ni JK sabay sabi kay Miko ng "Oops, sorry."

"A-aaray ko..." bulong ni Miko

Dumating naman na ang crew dala ang order ni Miko na kape at cake ngunit bago nito ilapag sa mesa ang order ni Miko ay pinagsabihan muna nito si JK...

"Sir, wag po tayong maglaro ng mga ganyang bagay dito sa loob ng shop."

"Ganun ba, pasensya na." Sagot ni JK sabay tago ng yoyo sa kanyang bulsa

"Sir, ito na po yung order ninyo." Sabi ng babaeng crew kay Miko sabay lapag sa mesa ng

kape at cake

"Ah.. salamat." Sabi ni Miko habang kinakamot ang bahagi ng ulo na nauntog.

"Anything else sir?" Tanong ng crew

"Ah... wala na hahaha" Sagot ni Miko

Pagka-alis ng crew ay tinignan ni Miko ang inorder nyang kape at cake...

"Masyado na akong nabusog... Si Mochi kaya?" Sa isip ni Miko sabay dungaw sa Ice Cream Shop na nasa tawid kalye lang

Natanaw nya si Mochi na kumakain pa din ng ice cream ngunit sa pagkakataong ito ay naglalakad na

din palabas ng shop. Pagbalik ng mata ni Miko sa mesa ay nagulat sya dahil wala na ang lalaki na

kanina lang ay nasa harap at kausap pa niya. Tanging ang kape na iniinom nito ang naiwan. Inikot pa ni Miko ang paningin sa buong coffee shop ngunit ni anino ni JK ay di nya nakita.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon