Agad na umalis si Venoch at iniwan sina Miko at Lean na nakikipaglaban sa daan-daang tao.
At sa kalagitnaan nina Lean at Miko na napapalibutan ng napakaraming tao ay isang bagay na nahulog sa gitna nilang dalawa ang gumulat sa kanila...
"G-granada?!"
Agarang pumwesto si Lean sa harap ni Miko at inilabas niya agad ang Astral Shield.
Sumabog ang granada.
At matapos iyon ay tulala sina Miko at Lean dahil ang mga taong nasa malapit nila ay nakahandusay ng patay sa sahig, ang iba pa'y sabog ang mga laman.
Nanginig si Miko sa galit lumalabas sa kanya ngayon ang malakas na spiritual na enerhiya pero bukod doon ay mas kapansin-pansin ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata...
"W-wala tayong nagawa para sa kanila." Bulong ni Miko
"Miko..." Sagot ni Lean
"Wala tayong nagawa!" Sigaw ni Miko
Dinig ni Mochi ang mga sinasabi ni Miko mula sa kanilang communication device kaya agad siyang nagtanong...
"Anong nangyayari dyan kuya Miko?"
Pero ilang segundo muna bago siya nakakuha ng sagot na hindi galing kay Miko kundi kay Lean...
"Ang mga kalaban, ginagamit nila ang mga tao panlaban sa amin. At mukhang wala silang pakialam mamatay man o ano man ang mangyari sa mga taong ito."
"Nasan na siya?" Seryosong tanong ni Miko
"Ha?" Sagot ni Lean
"Anong nasan na siya kuya Miko?" Tanong ni Mochi
"Nasaan na ang demonyong iyon!!" Sigaw ni Miko na nagdidilim na ang paningin sa galit
Ramdam ni Mochi ang galit na 'yon kaya maging siya ay di rin nagawang magsalita.
"Buburahin kita!" Sigaw ni Miko na nagsimulang gumawa ng Spirit Ball sa kanyang kanang kamay
Pero mistulang siyang nagising mula sa pagkabulag sa takot ng tapikin ni Lean ang masakit niyang tagiliran na kanina ay hinampas ni Venoch...
"Wala na dito ang kalaban." Bulong ni Lean
At nang mahimasmasan ay naintindihan nga ni Miko na ang mga tao na lamang sa paligid nila ay pawang mga biktima lamang din ng kaaway.
"Kapag nagtagal pa tayo dito, lalong dadami ang mamamatay sa kanila. Aatakihin nila tayo kahit pa masaktan nila ang bawat isa." Sabi ni Lean
"Tsk. asar." Sagot ni Miko
Naglakad si Lean papunta sa harapan ni Miko, ipinosisyon ng pa krus ang kanyang light sword at astral shield, at sinabing...
"Pagbilang ko ng tatlo, pumikit ka. Isa..."
Walang ideya si Miko sa gagawin ni Lean pero alam niya na ang tamang gawin ay sundin ang kaibigan.
"Tatlo. Blinding Flash!"
Nagliwanag ang espada ni Lean at nagsilbing isang salamin na tinalbugan at naging sanhi ng pagkalat ng liwanag ang astral shield.
Nakapikit si Miko ng maramdaman niya na may humila sa kanyang braso at sunod ay agad niyang narinig ang boses ni Lean na sinabing...
"Takbo na!"
- - - - -
Pansin ni Karla ang pag-aalala at pagkabalisa ni Mochi sa mga nangyayari kaya naman agad niyang nilapitan ito at pinisil-pisil sa pisngi...
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...