Chapter 35: Janine

25 14 2
                                    


Gabi na ngunit magkasama pa ding nagku-kwentuhan sina Giel at Lean sa tabing-dagat...

"Ang taong iyon... sino kaya sya?" Tanong ni Giel

Ang tinutukoy niya ay si Mark, ang lalaking nakasakay sa motor at humarang sa kanila noong hinahabol nila ang mga diyablong dumakip kay Russel. Naalala nila kung paano sila tinutukan nito ng baril at ang mga bala nito na tila gawa sa puting spiritual na enerhiya...

"Wala akong ideya pero sa susunod na humarang sya ituturing ko na siyang kaaway at di ako magdadalawang isip." Sagot ni Lean

Naalala naman ni Giel ang nagliliwanag na puting bagay na tumama at nagpabagsak sa diyablong kanyang nakalaban at naisip nya na eksaktong kapareho ito ng mga balang nanggaling sa baril ng lalaking naka-motorsiklo. Napansin ni Lean na tila may bagay na biglang sumagi sa isipan ni Giel...

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Lean.

"Ah... wala." Sagot ni Giel

"Kakain na daw!" Biglang sigaw ni Amabii mula sa di kalayuan

Lumingon sila Giel at Lean sabay kaway bilang senya na susunod na sila...

"Hindi sila bumalik para mananghalian kanina. Maghapon ba silang nakatambay lang dito?..." Sa isip ni Amabii na nawirduhan sa dalawa.

- - - - -

Lumipas ang gabi at sinamantala ng lahat ang pagkakataong makapag-paghinga. Kinabukasan, matapos mag-agahan ng lahat ay tinipon ni Karla sila Miko, Lean, Giel, Beth at Mochi...

"Tatapusin na natin ang misyon mamayang gabi. Tatalunin natin ang mga kalaban at wala tayong ititira sa kanila." Sabi ni Karla

"May tanong ako..." Sabi ni Giel

"Ano yun?" Tanong ni Karla

"Hindi ba mas maganda kung haharapin natin sila sa umaga sa halip na sa gabi?" Tanong ni Giel

"May mga taong gumagala sa paligid ng lugar na iyon tuwing umaga. Siguradong magdududa sila pag-nakarinig sila ng ingay na nagmumula sa lumang theme park." Paliwanag ni Karla

"Hindi biro ang haharapin nating laban mamaya. Kung hindi buo ang loob nyo hindi namin mamasamain kung uurong na kayo ngayon pa lang..." Sabi ni Beth

Ngunit bakas sa mukha ng lahat ang determinasyon lalo na kay Lean.

"Samantalahin natin ang mga natitirang oras na may liwanag para magpahinga at maghanda. Magkita-kita tayo mamayang ganap na alas-siete."

At nagsimula ng magkanya-kanya ng lakad ang lahat upang personal na makapaghanda. Napansin naman ni Giel na hindi umalis si Miko sa kanyang kinatatayuan...

"Miko..." Sabi ni Giel

"Hmm...?" Tanong ni Miko sabay lingon

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Giel

"Waah! Bakit naman ako kakabahan eh di hamak na mas malakas tayo kaysa sa kanila! Sila dapat ang kabahan..." Sagot ni Miko na buong gigil sabay taas ng kamao

Napahalakhak si Giel sa narinig at sa paraan kung paano iyon sinabi ni Miko...

"Grr... Ano namang nakakatawa? Hindi ka ba naniniwala?! Alam mo kung kinakabahan ka ayos lang naman, kaya na namin ang misyon na ito." Pagyayabang ni Miko

Ngunit hindi pa rin tumigil sa pagtawa si Giel...

"Hmp, bahala ka nga dyan." Banggit ni Miko sabay talikod

"Hindi ko pa rin kilala kung sino talaga ako..." Biglang sabi ni Giel na may seryosong tono ng pagkakabigkas

Muling napalingon si Miko sa narinig ngunit isang nakangiting Giel ang kanyang nakita...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon