Chapter 56: Date

26 12 0
                                    


"Saan ka ba nanggaling anak?" Ito ang tanong ng ina ni Russel habang lumuluha at yakap yakap ang anak na ilang araw na niyang hinahanap.

"Nay, mukhang natagpuan ko na kung anong gusto kong gawin."

Sagot ni Russel sa kanyang ina

- - - - -

Kinabukasan sa FAT, maagang nagising si Miko na tila di maitago ang kasabikan dahil mamayang gabi na ang napag-usapan nilang date ni Luisa. Nagtungo siya sa likod ng FAT kung nasaan ang tabing dagat sa pag-aakalang siya pa lamang ang gising sa kanilang lahat ngunit nagulat siya dahil naroon na si Giel na tahimik na nakatingin sa tubig...

"Hindi ka ba nakatulog?" Tanong ni Miko

Lumingon si Giel at sinabing... "Ikaw pala."

Napansin ni Miko na seryoso ang mukha ni Giel kaya tinanong niya ito...

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Kahapon pa ako gising, hindi ba nila sinabi sa'yo?" Sagot ni Giel

"Ganun ba, hindi eh" Sagot naman ni Miko

Tumigil panandalian ang kanilang usapan at tumingin muli si Giel

sa dagat, doon na nagtanong si Miko...

"May problema ba?"

"Pasensya na dahil wala akong nagawa noong nakaraang misyon." Diretsong sinabi ni Giel

"Ahh yun ba? Sa totoo lang pareho daw tayong walang malay pag-uwi dito." Sagot ni Miko

Hindi sigurado ni Giel kung totoo man ang sinabi ni Miko pero ang naalala niya lang ay kung paano lumaban si Miko sa mga devourers at ang lakas na ipinakita nito. Batid naman ni Miko na malalim ang iniisip ni Giel kaya nilapitan nya ito at hinawakan sa balikat...

"Nagtagumpay naman tayo kaya ayos na 'yon!" Sabi ni Miko kay Giel

"Ganun ba?" Reaksyon ni Giel na unti-unti ng napapangiti sa mga sinasabi ng kanyang kaibigan

"Nga pala Giel... niyaya ko si Luisa lumabas mamaya pero hindi ko alam kung anong gagawin, uhmm... may ideya ka ba, ibig kong sabihin... baka nakipag-date ka na dati..." Panghihingi ng payo ni Miko kay Giel

Unti-unti namang natawa si Giel sa narinig na tanong ni Miko, bagay na bahagyang ikinainis nito...

"Hmph, hindi ako nagtanong para pagtawanan mo." Sabi ni Miko sabay iling ng ulo

"Ang totoo hindi ko alam, nakalimutan mo na bang wala akong maalala sa nakaraan ko." Sagot ni Giel na natatawa pa rin

"Hayyyss... oo nga pala." Reaksyon naman ni Miko sa narinig

Sa puntong ito ay nagsimula ng sumikat ang araw...

"Papasok na ako sa loob, nga pala, mag-ensayo ka mabuti at galingan pa lalo natin sa mga susunod na misyon." Seryosong sabi ni Miko kay Giel

"Huh? Oo naman!" May kasiguraduhang sagot ni Giel

"Kapag hindi mo sineryoso yan, mapag-iiwanan ka na talaga namin ni Lean!" Pang-aasar ni Miko sabay tutok ng kamao kay Giel

Sinalubong din naman ni Giel ng kanyang kamao ang kamao ni Miko at sinabing... "Asa naman kayo!"

At tumakbo na si Miko pabalik sa loob ng FAT, habang nakatingin sa kaibigan ay isang resolusyon ang sigurado kay Giel...

"Ayos lang ako... kasama kayong lahat."

- - - - -

Kinahapunan ay nag-ayos maigi si Miko ng sarili at habang matagal na nakatingin sa salamin ay hindi niya agad napansin na lumampas na ang alas-singko y medya...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon