Chapter 62: Ang Pito

20 9 0
                                    


Napasara sa gigil ang mga kamao ni Miko sa narinig...

"Tsk... mga diyablo na naman." Sabi ni Miko

Sa mga sandaling iyon ay inoobserbahan ni Karla si Miko at isang ideya ang nasa isip niya...

"Handa siyang harapin ang kahit anong diyablo. Pero paano kung mga tao ang nasa likod nito?"

Nilagok ni Master Nok ang kanyang natitirang kape at pagkatapos ay tumayo...

"Karla, puntahan mo ako mamaya sa opisina."

Tumango naman si Karla bilang tugon sa utos ni Master Nok. Pagkalabas ni Master Nok ay tahimik lamang ang lahat bago biglaang tumayo si Miko at naglakad paalis...

"Halatang nangigigil siya..." Bulong ni Lean

Sunod namang tumayo si Karla at sinundan si Miko sa pag-alis.

- - - - -

Pagdating ni Master Nok sa kanyang opisina ay ibinagsak niya ang sarili sa kanyang upuan at huminga ng malalim sabay pikit ng mata ng ilang sandali. Pagkamulat niya ay tinignan niya ang aklat na kinuha niya mula sa Meggido na ngayon ay nakapatong lamang sa mesa niya. Akma niyang kukunin ito ngunit ng kanyang mahawakan ay natigilan siya at nagdalawang isip...

"May mas mahalagang bagay na dapat unahin..."

- - - - -

Nagtungo si Miko sa tabing dagat, ipinikit ang kanyang mga mata at nagsimulang lumabas sa kanyang katawan ang spiritual na enerhiya. Matapos iyon ay iniangat niya ng bahagya ang kanyang kanang kamay at nagsimulang bumuo ng Spirit Ball. Binulabog naman siya ng tinig ni Karla...

"Spirit Ball huh?"

Napalingon si Miko ng marinig si Karla na nagpatuloy sa pagsasalita...

"Aaminin kong napahanga kami sa ipinakita mong lakas noong nakaraang misyon. Pero napaka-delikado ng ginawa mo."

Naglaho ang binubuong Spirit Ball ni Miko at bahagya siyang nalungkot sa narinig...

"Alam ko ang epekto sa akin ng Spirit Burst..."

"Bukod doon, alam din naming gumamit ka ng gamot na ginawa ni Luisa..." Dagdag ni Karla

"Pero kailangan kong talunin ang kalaban!" Pangangatwiran ni Miko

"Hindi kita masisisi dahil iyon talaga ang hinihingi ng pagkakataon. Pero sa tuwing aasa ka sa mga ganoong paraan na panandalian kang nagkakaroon ng lakas, isinasakripisyo mo ang malaking potensyal na meron ka..." Paliwanag ni Karla

"Tsk." Reaksyon ni Miko sabay yuko

Naglakad si Karla papalapit kay Miko at binulungan ito...

"Gampanan mo ang susunod na misyon ng hindi umaasa sa mga paraang iyon... iyon ay kung gusto mo pang lumakas..."

- - - - -

Sa gusali sa Metro City kung saan naroon sina Dr. Mujin, kasama niya ngayon sina General Musni at ang pito pang mga kasamahan nila...

"Ang Manuel na 'yon! Ang lakas ng loob niyang tanggihan tayo!"

Galit na galit na reaksyon ni General Musni sabay hampas sa mesa

"Relax ka lang General..." Sabi ng kanyang katabi

"Walang utang na loob, matapos niyang gamitin sa kanyang negosyoang impluwensya natin sa gobyerno ay hindi siya makikisama sa atin ngayon. Ang mabuti pa siguro iligpit na natin siya at isama na natin ang nag-iisa niyang prinsesa." Pagngingitngit ni General Musni

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon