TM 115: Malungkot na Gabi

14 2 1
                                    

 Matapos kausapin ni Jay ang kanyang mga kasamahan sa Union ay naglakad siya patungo sa ibang bahagi ng gusali kung saan siya sinundan ni Borj. Nilingon niya ito at tinanong...

"May problema ba kuya?"

"Nag-aalala lang ako, masyado ka atang nagmamadali Jay..."

"Alam mong wala na tayong oras. Hangga't hindi natin naisasakatuparan ang planong magdadala ng kapayapaan at kaligtasan sa buong mundo wala tayong panahong pwedeng sayangin." Madiing sinabi ni Jay

Nilapitan siya ni Kuya Borj at hinawakan ang kanyang kanang balikat...

"Wala na si Amanda at hindi malaking pabor para sa layunin ng Union ang naging kapalit ng buhay niya."

"Namatay si Amanda na naniniwalang magtatagumpay ang Union. Sisiguraduhin kong makikita niyang mangyari iyon mula sa kabilang daigdig." Sagot ni Jay

Hinigpitan nang bahagya ni Borj ang pagkakakapit sa balikat ni Jay bago ito dahan-dahang binitiwan...

"Iyon ba talaga ang gusto niya?" Tanong na iniwan ni Borj kay Jay bago siya tumalikod at naglakad paalis

Nakasalubong naman ni Borj si Michael na noon ay papunta kay Jay ngunit nagtinginan lamang sila.

"Jay..." Pambungad ni Michael nang makita si Jay

"Anong gusto mong sabihin?" Tanong ni Jay

"Napaka-seryoso mo ngayon. Parang gusto tuloy kitang hamunin sa isang laban sa itsura mong yan." Sagot ni Michael

Ngunit wala man lamang naging reaksyon sa mukha ni Jay sa narinig na sinabi ni Michael...

At sinundan iyon ni Michael nang pagtawa...

"Biro lang. Gusto ko talagang gawin 'yon pero sa laki ng agwat ng kapangyarihan natin, magsasayang lang ako ng oras at pagod." Dugtong ni Michael

"Tama na ang paligoy-ligoy." Sabi ni Jay

"May bagay akong napansin kaninang nakaharap namin ang Ministry."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

TM 115: Malungkot na Gabi

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Matapos sabihin ni Lean kay Master Nok ang mga nangyari sa Central City ay ipinatawag ni Master Nok si Karla...

"Kailangan kong masabi kay Eddie ang nangyari kay Andro, ito ang parusa ko sa pagiging masyadong kampante." Sabi ni Master Nok

"Wag mong sisihin ang sarili mo master, hindi natin inasahan lahat ng nangyari base sa kwento ni Lean, lalo na't mga taong gumagamit din ng spiritual na enerhiya ang kalaban natin sa pagkakataong ito." Pampalubag loob na sagot ni Karla

Isang malakas na hampas ang ginawa ni Master Nok sa kanyang mesa na sinundan niya ng malalim na paghinga...

"Master..."

"Ang mas nakakakilabot pa ay kung paanong nakagamit ang babaeng sinasabi nilang nakalaban nila ng mabuti at masamang enerhiya na likas na hindi pwedeng magsama?!" Tanong ni Master Nok

"Palaisipan talaga ang bagay na yun..." Sagot naman ni Karla

At natahimik si Master Nok...

"Magiging mahirap ang susunod na mga pagsubok na haharapin natin..." Pagbasag ni Karla sa katahimikan

"Nandito si Master Sin." Biglang sabi ni Master Nok na gumulat kay Karla.

"P-pero bakit?" Tanong ni Karla

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon