TM 136: Life Saga IV

14 3 0
                                    

"Mga kawal ng Emperador! Paparating ang mga kawal ng Emperador!"

Kasunod ng mga sigaw na iyon ay naglabasan ang ilang mga kalalakihang may dalang mga armas. Samu't-sari mula sa mga baril hanggang sa mga maliliit na punyal.

"Hindi pwede 'to, mauubos lang sila." Sabi ni Nato habang tinatanaw nila ang mga tao mula sa itaas ng gusali

Hindi naman nagpatagal pa si Tian at agad niyang sinigawan ang mga kalalakihang naghahandang makipaglaban sa mga papalapit na sundalo ng imperyo...

"Hoy kayo dyan! Samahan nyo yung mga bata at mga babae! Siguraduhin ninyong makakatakas ang lahat!"

"Ano? Gusto nyong iwan na lang namin ang bayang ito? Hindi kami papayag na sisirain lang nila ang lahat-lahat ng nandito!" Sagot na nakuha niya mula sa isa sa mga mamayan na sinegundahan pa ng ilan sa kanila sa pamamagitan ng pagsigaw ng "Oo nga!"

Sumigaw naman si Micca sa kanila!

"Mas mahalaga ang buhay ninyo at ng mga bata! Kami na muna ang bahala sa mga kalaban, unahin nyong ilikas ang mga hindi kayang lumaban!"

"Nang kayong anim lang? Pa-paano nyo naman gagawin 'yon?!" Tanong naman na ibinato sa kanya nang isa sa mga lalaking nasa ibaba

At mas madiing pakiusap ang binitiwan ni Micca gamit ang mas malakas na pagsigaw ng "Pakiusap magtiwala na lang kayo!"

Natigilan ang lalaking kausap niya habang nakatingala sa kanilang anim na nasa itaas ng gusali. Tinapik naman siya sa balikat ng isa sa kanilang mga kasama at sinabihang...

"Tama sila, unahin natin ang buhay ng mga pamilya natin."

At dahan-dahan namang tumango bilang pagsang-ayon ang lalaki at nagsimula silang gumalaw papaalis para sa paglikas.

Ibinaling naman muli nina Tian at Micca ang kanilang tingin sa mga kalabang papasok na sa distrito!

"Masarap pakinggan yung mga sinabi nyo pero anong gagawin natin?" Tanong ni Gilyer

"Kailangan nating bawasan sila at makagawa ng daan papalapit sa dalawang 'yun." Sagot naman ni Tian habang nakatanaw sa dalawang halimaw na nasa gitna ng daang-daang sundalo

Bigla namang sinuntok ni Nato ang isang sulok ng sahig para makakuha ng isang tipak ng bato na kanyang dinurog gamit ang dalawa niyang kamay para makagawa ng maliliit na mga bato at pagkatapos ay kanyang sinabi...

"Edu, alam mo na ang gagawin."

Agad namang pumulot si Edu ng ilang piraso at pagkatapos ay sinimulang batuhin ang mga sundalo sa mga tuhod nito!

"Pasensya na... kailangan namin kayong saktan." Sa isip ni Edu

Bigla naman silang nakarinig muli ng pagtawa galing kay Ramut!

"Wahahahahahaha! Hahahahaha!"

"Tsk! Ano bang itinatawa-tawa ng isang 'yan?!" Gigil na reaksyon ni Gilyer

Hinugot naman ni Jovan ang kadena na nakapulupot sa kanyang beywang...

"Kapag nagkaroon ng pagkakataon kukunin ko agad ang isang 'yan, Micca tapusin mo agad siya." Sabi ni Jovan

Ngunit...

Nagulat na lamang silang anim dahil bigla silang natigil sa pag-galaw at nagsimulang makakita sa kanilang mga imahinasyon ng mga imaheng nagsasayaw sa apoy habang patuloy pa din nilang naririnig ang malakas na pagtawa ni Ramut!

"A-anong..." Tanong ni Micca sa kanyang isipan habang nakatulala

Hindi naman nag-aksaya ang halimaw na may kalahating katawan ng sa ahas na si Sandra at agad na huminga ng malalim at pagkatapos ay lumobo ang tyan nito at tila may kung anong bagay na umakyat patungo sa dibdib, lalamunan, at hanggang umabot sa bibig nito!

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon