Chapter 26: Takbo Giel!

29 24 0
                                    


Isang pulis naman ang nagbigay ng warning shot para tumigil si Giel pero sa halip na huminto ay bigla syang lumiko sa isang kalye.

"Masisira ang misyon kapag nahuli nila ako..." Sa isip ni Giel

Nanabik ang mga miyembro ng media na nasa lugar. Ang ilan sa kanila ay sumunod sa nagaganap na habulan habang ang mga reporter naman ay agad na inere sa mga radyo at telebisyon ang kaganapang nangyari. Samantala, si Asmo naman ay mabilis na naglakad palayo sa palengke...

"Ayos, pati ang mga pulis ay tinutugis sya kaya mahihirapan syang magtago. Kung mahuhuli ko sya siguradong magsisilabas din ang mga kasama nya at bukod dun... magkakaron ako ng masarap-sarap na pagkain." Sa isip ni Asmo

Tumigil sya sa paglakad sa isang lugar na walang tao at maya-maya ay anim na karakter na may pigura ng tulad ng sa mga tao ang lumapit sa kanya. Ang mga ito ay balot ng makakapal na mga jacket at ang kanilang ulo ay natatakpan ng hood...

"Nakita nyo naman sya kanina, madali, hulihin ninyo sya at sisiguruhin kong di kayo mawawalan pag naging ganap na ang paghahari ko sa mundong ito. Hahahaha!" Utos ni Asmo sa anim

Tumawa rin ang anim bago sila nag-alisan para tugisin si Giel.

"Hmm... napakadali talagang paikutin ng mga mabababa ang uri. Sa bagay, yun naman talaga ang trabaho nila bilang mga kawal namin." Sa isip ni Asmo.

- - - - -

Gumamit naman si Giel ng kaunting spiritual na enerhiya para mapabilis ang kanyang takbo at mailigaw ang mga pulis na humahabol sa kanya. Narating nya ang isang mataong lugar sa siyudad na puno ng mga tiangge na may iba't ibang paninda. Pinasok nya ito para makapagtago sa mga tao at sinamantala nya din ang pagkakataon para pumitas sa mga paninda ng isang jacket at sumbrero para makatulong sa kanyang pag-iwas sa mga pulis. Bago sya makalabas sa kumpulan ng mga tao ay nakita nya na pinapalabas sa mga telebisyon ang kanyang larawan na nakunan kanina sa eksena ngunit nakatalikod sya dito kaya hindi rin nakuhanan ang kanyang mukha.

- - - - -

Habang naglalakad sila Karla at Beth ay tumunog ang cellphone ni Karla at isang tawag mula kay Master Nok ang kanyang tinanggap...

"Hello..." Pambungad ni Karla

"Anong nangyari sa inyo? Anong ibig sabihin ng pinapalabas sa mga telebisyon ngayon?"

Tanong ni Master Nok na kasalukuyan ding nakaharap sa telebisyon.

"Po?" Tanong ni Karla dahil wala siyang ideya sa kung anong sinasabi ni Master Nok

"Hinahanap ngayon ng mga pulis si Giel bilang suspek sa pagpatay na naganap sa palengke dyan." Sabi ni Master Nok

Nagulat si Karla sa narinig at napabulong "imposible..."

"May problema ba?" Tanong ni Beth kay Karla

"Pinakita sa telebisyon ang larawan ng makunan sya sa lugar na pinangyarihan, swerte at nakatalikod sya sa kamera. Kailangan natin syang mahanap para malaman natin kung ano ang nangyari." Utos ni Master Nok

"Gagawin namin." Sabi ni Karla at dun na nagwakas ang kanilang usapan

Agad na nilahad ni Karla kay Beth ang balita na sya namang ikinagulat din nito...

"Hindi ba dapat magkasama sila ni Lean?" Tanong ni Beth

"Tawagan muna natin si Lean." Sabi ni Karla sabay kuha ng cellphone para tawagan si Lean

Kasalukuyan namang natutulog si Lean sa loob ng isang hotel at di sya nagigising sa kabila ng

pag-ring ng kanilang telepono...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon