TM 109: Black Heart

9 2 1
                                    

Hinahabol ng dalawang lalaki ang isang dalagang sakay ng isang skateboard at kanilang tinatahak ang isang mahaba ngunit hindi mataong eskinita...

Mabilis at mariin ang padyak ng kanyang mga paa sa sahig para lalo pang mapabilis ang sinasakyan ngunit hindi nya nagawang iwasan ang isang batong nakakalat sa kanyang daraanan na naging sanhi ng kanyang pagbagsak sa sahig.

May sugat at dugo sa kanyang kanang tuhod nang abutin siya ng dalawang lalaki...

"Pambihira ka naman bata, dinouble-cross mo pa kami, nasan ang pera?" Tanong ng isang lalaki

Ngunit hindi sumagot ang dalaga kaya naman nilapitan siya ng isa pang lalaki para dakmain ngunit inunahan niya iyon ng malakas na suntok sa sikmura at pagkatapos ay mabilis nyang dinampot ang kanyang skateboard na kanya na lamang binitbit kasabay ng kanyang pagtakbo.

"Bumalik ka dito bwisit ka!" Sigaw ng lalaking kanyang sinuntok

Nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang sa isa pang lalaki ang lumabas mula sa susunod na kanto at hinarang siya nito at tinulak pabagsak sa sahig...

"At san ka pupunta?"

At nakahabol na rin ang dalawa pang lalaki na naunang humahabol sa kanya. Dahan-dahang tumayo ang babae at mabilis ang ikot ng kanyang mga mata na nag-aabang ng pagkakataon para tumakas nang biglang mayroong kung anong bagay na tumama sa ulo ng lalaking nasa kanyang harapan na naging sanhi para mawalan iyon ng malay at bumagsak sa sahig. Doon pa lamang niya napagtanto na ang bagay na tumama dito ay lata ng isang sikat na inumin...

Napaatras naman ang dalawa pang lalaki sa gulat at sa kanilang harapan ay natanaw nila ang isang imahe ng lalaki na naglalakad papalapit sa kanila...

"S-sino ka?!"

"Umalis na kayo, kapag nakalapit ako sa inyo... tapos na."

Nataranta ang dalawang lalaki at agad na binuhat ang kasamahang wala ng malay at agad na tumakbo...

Naiwan naman ang dalagang hawak-hawak ang kanyang skateboard at nakatanaw sa papalapit na lalaking nagligtas sa kanya...

"May sugat ka. Sinaktan ka ba nila?" Tanong sa kanya ng lalaki

Ibinaling lamang ng dalaga ang kanyang ulo sa kaliwa't kanan bilang pagsagot ng "hindi".

"Tattoo... halos buong katawan mo ata ang pinalagyan mo nyan?" Tanong ng lalaki pagkatapos tignan ang dalaga

"Tsk, ito ang nagpo-protekta sakin. Hindi ligtas ang siyudad para sa mga katulad kong babaeng walang tahanan." Malungkot na sagot ng babae sabay lakad paalis

Ngunit ng kanyang malampasan ang lalaking kausap ay napaluha siya sa sunod niyang narinig na sinabi nito...

"Hindi na lang yan ang po-protekta sa'yo... at mula ngayon may bago ka ng tahanan."

Mabilis na pinahid ng babae ang luha sa kanyang mga mata at nilingon ang lalaking nagsabi sa kanya ng mga salitang matagal na niyang pinangarap...

"Sino ka ba?!" Tanong niya sa lalaki

"Jay."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 109: Black Heart

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Amabii!" Sigaw ni Agape

Laking gulat nila ng makitang wala ng malay ang kasama at nakapulupot na ang kanang braso ni Amanda dito...

"Anim na lang..." Sabi ni Amanda

"Hindi siya naapektuhan ng flash bomb?!" Gulat na tanong ni Agape

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon