TM 127: Ginto

10 2 0
                                    

Humaharurot si Lean sakay ng isang motorsiklo patungo sa kabundukan ng Noalnak upang habulin si Miko ngunit...

"Hindi ko man lang siya nagawang matanaw, tsk! masyadong mabilis ang motorsiklo ko na ginamit nya. Bukod pa dun nawala sa isip ko na kunin ang Light Sword, nakalampas na ko sa limampung kilometrong radius kung saan pwede kong gamitin ang flash draw para tawagin ito. Babalik ba ko?... halos limang kilometro na lang at nasa paanan na ko ng bundok... hindi... mas mahalagang maabutan ko kaagad si Miko." Ito ang mga alalahaning tumatakbo sa isipan ni Lean.

- - - - - - - - - - - - - - -

TM 127: Ginto

- - - - - - - - - - - - - - -

Sa loob ng abandonadong gusali kung nasaan ang Union...

"Kuya Jay!" Sabi ni Petro habang tumatakbo papalapit kay Jay na nakatanaw sa Central City mula sa itaas ng gusali

Hindi man lamang lumingon si Jay na nagtanong "May problema ba Petro?"

"Hindi ko ma-contact si kuya Borj! Ewan ko pero hindi ako mapalagay!" Nag-aalalang sabi ni Petro

"Wala kang dapat ipag-alala, umakyat sya ng Noalnak para bumisita." Malumanay na sagot ni Jay

"Hindi ka ba nag-aalala sa kondisyon nya, papano kung mapalaban siya?!" Tanong ni Petro

"Petro..." Pagsaway ni Jay

At biglang natigilan si Petro at napayuko... Nagpatuloy naman si Jay sa pagsasalita...

"Si kuya Borj ang pinag-uusapan natin dito. Liban na lang kung kasing lakas ko o ng mga spirit masters ang makakalaban nya, siguradong hindi man lamang siya pagpapawisan kung seryoso siya."

"Alam ko naman yun at hindi ko pinagdududahan ang kapangyarihan nya, pero alam natin na hindi na kaya sumabay ng katawan nya sa labanan!" Pagsagot ni Petro

Sa puntong iyon ay nilingon na siya ni Jay at nilapitan...

"Kung gusto mo syang puntahan gawin mo lang, kung hindi kayo makakabalik agad hanggang sa makalawa, doon na kayo dumiretso sa lilipatan nating hide out."

Tumango naman si Petro na mababakas ang determinasyon sa mukha.

"Dalhin mo 'to." Sabi ng tinig ng isang babae na biglang sumabat sa usapan

At nang tumingin si Petro sa gawing kaliwa kung saan nanggaling ang boses ay nakita niya si Luisa at inihagis sa kanya ang isang maliit na bag.

"Kung sakaling kailanganin, maiibsan nyan ang sakit at mabibigyan siya ng panandaliang lunas sa pamamagitan ng pagpapalakas sa enerhiya nya." Paliwanag ni Luisa

Pagkatapos ibulsa ang ibinigay ni Luisa ay tumalikod na si Petro at nagsimulang maglakad at habang naglalakad siya ay nagsalita muli si Jay...

"Petro, huwag na huwag mong aalisin sa isip at puso mo ang misyon natin."

- - - - -

Nang marating ni Lean ang paanan ng bundok ay nakita nya si Miko na nakaupo sa isang malaking bato at tila hinihintay siya. Ipinarada ni Lean sa tabi ang motorsiklo nya katabi ng ginamit ni Miko.

"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis haha!" Masayang sinabi ni Miko sabay tayo mula sa pagkakaupo

"Baliw!" Agad na sagot ni Lean habang naglalakad papalapit kay Miko

"Pasensya ka na kanina... naisip ko lang kasi na aka pigilan ako nina Master Nok." Banggit ni Miko

"Kung ang ibig mong sabihin ay gusto mong bumalik na tayo sa FAT, mas gusto ko yan." Sagot naman ni Miko

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon