"Kainis... bakit ang hina ko. Bakit ako lang ang walang silbi. Bakit parang g-gusto ko na lang mamatay..."
Ito ang mga katanungang tumatakbo sa isip ni Giel habang naiisip nya sina Lean at Miko
Sa gitna ng unti-unting pagkawala ng kanyang malay ay ang tangi nyang naririnig ay ang kumakaripas na mga yapak ng mga kasamang papalapit sa kanya. Laking gulat ni Miko nang makitang nakahandusay sa sahig ang kaibigan...
"Giel!" Sigaw ni Miko
Agad namang nilapitan ni Karla si Giel para tignan ang kalagayan nito. Sa isang hawak pa lang ay naramdaman agad ni Karla ang masamang enerhiya ni Tera na nagpapahirap at nagpapahina kay Giel. Humalinghing naman sa buong lugar ang halakhak ni Tera at sabay sabing...
"Wala na kayong magagawa para tulungan siya. Tapos na sya!"
"Manahimik ka!" Biglang sigaw ni Miko
Nang marinig ni Giel ang sigaw na iyon ay bahagyang bumalik ang kanyang diwa. Naririnig pa rin niya ng malinaw ang usapan ng mga nasa paligid niya.
Agad namang inilabas ni Karla ang sandata niya na si Blueberry...
"Hindi ko alam kung kakayanin ko pang alisin lahat ng masamang enerhiya na nasa kanya, pero kailangan pa ring subukan." Sa isip ni Karla
Nagliwanag si Karla dahil bigla siyang naglabas ng enerhiya na gagamitin niya upang higupin palabas ang lason na inilagay ni Tera kay Giel...
"Binibigay na nya lahat ng makakaya niya..." Sa isip ni Beth
Muli na namang humalakhak ng humalakhak si Tera at sinabi...
"Nagpapakahirap ka lang para sa wala. Ako ang kailangan niyo diba? Hindi kayo dapat nagsasayang ng lakas para lang tulungan ang isang walang kwentang..."
Ngunit bago pa matapos ang kanyang sinasabi ay nagulat si Tera dahil kinailangan niyang ibaling ang kanyang ulo patungo sa kanan dahil kung hindi ay tinamaan na siya ng Spirit Ball na dagliang inihagis ni Miko habang nagsasalita siya...
"Tsk..." bulong ni Tera
Muli ulit bumuo si Miko ng Spirit Ball sa kanyang kanang kamay habang kitang-kita sa kanyang mga mata ang galit...
"Sinabi kong manahimik ka! Ngayon sisiguraduhin kong di ko na kailanman maririnig ang nakakairita mong boses." Sabi ni Miko
Pagkasabi noon ay isinaksak ni Miko ang Spirit Ball sa kanyang dibdib katulad ng ginawa niya sa laban nila ni Leo kanina.
"Spirit Burst!" Sabi ni Miko
Dahil doon ay nagkaroon ulit si Miko ng napakalakas na enerhiya. Bagamat alam niya na delikado gamitin ang paraan na iyon lalo na ng magkakasunod na beses, di na niya iyon inalintana dahil ang tanging nasa isip niya ay ang nangyari kay Giel...
"Miko!" Sabi ni Lean
"Naloko na..." Sa isip nina Karla at Beth
Dahil sa karanasan sa mga misyon, agad na nagbigay si Beth ng utos upang makontrol ang sitwasyon...
"Janine at Mochi, bantayan niyo si Karla. Miko at Lean tayong tatlo ang..."
Ngunit bago pa man matapos ni Beth ang kanyang sasabihin ay nilundag agad ni Miko si Tera at diretso itong sinuntok sa mukha. Hindi nagawa ni Tera na umiwas dahil sa bilis ng pag-atake ni Miko. Tumilapon ito palabas ng balkonahe.
Agad naman niyang binukas ang kanyang mga pakpak upang makalutang siya sa ere...
"Kainis bigla siyang lumakas. At hindi ko sila kakayaning labanan ng sabay-sabay." Sa isip ni Tera habang nakatakip sa nabasag na mukha ang kaliwang kamay. Nasa kanang kamay naman niya ang kanyang Shadow Stick. Maya-maya ay itinuon niya ang kanyang mata sa gigil na gigil na si Miko...
"Ituring mo na lang na kapalit ng buhay ng kaibigan mo itong ginawa mo sa akin. Sa susunod nating pagkikita higit pa dito ang gagawin ko sa'yo." Pagbabanta ni Tera
Ngunit tila walang narinig si Miko. Sumampa siya sa balkonahe at biglaang tumalon patungo sa direksyon ni Tera na lubos na ikinagulat ng lahat!
"Nasisira na ang ulo niya..." Sa isip ni Lean na kumaripas ng takbo patungo sa balkonahe.
Sa isang malakas na lundag ay muling naabot ni Miko si Tera. Nagawa namang umiwas ni Tera gamit ang kanyang mga pakpak. Dahil doon ang tinamaan ng suntok ni Miko ay ang kaliwang pakpak ni Tera at sa lakas ng suntok ay nawasak ito. Nasira ang balanse ni Tera at nagsimula ang dahan-dahan niyang pagbagsak at ganoon din naman si Miko.
Sa puntong iyon ay tila bumagal ang oras sa mga mata nina Lean at Beth na nakadungaw sa balkonahe at pinanunuod ang labanang nagyayari sa ere...
"Waaaahh!" Sigaw ni Miko habang inilalagay ang lahat ng kanyang natitirang enerhiya sa kanyang palad para bumuo ng isang Spirit Ball...
"H-hindi m-maari..." Bulong ni Tera na takot na takot sa nakikita...
"Aaaah! Spirit Ball!" Sigaw ni Miko
Ngunit ng akmang ibabato na ni Miko ang Spirit Ball ay bigla itong naglaho sa kanyang kamay kasabay ng malakas na enerhiyang bumabalot sa kanyang katawan. Unti-unti na siyang nawalan ng malay...
"Lagot!" Reaksyon ni ate Beth
"Miko!" Sigaw ni Lean na walang pag-aalinlangang lumundag patungo sa direksyon ni Miko...
Nang makita ni Tera na nawalan ng malay si Miko ay sinamantala nito ang pagkakataon upang sibatin ito ng kanyang Shadow Stick. Sakto namang inabot ni Lean si Miko sa ere at naiiwas nya ito upang hindi matamaan...
"Tsk..." reaksyon ni Tera na bumubulusok na pabagsak sa sahig.
Akap-akap ngayon ni Lean si Miko habang bumubulusok sila pabagsak sa sahig...
"Masama 'to... Astral Shield!" Sa isip ni Lean
Binuo ni Lean sa kanyang kamay ang kanyang Astral Shield bilang paghahanda sa kanilang pagbagsak.
Nahulog silang tatlo sa kakahuyan at kasabay ng pagbagsak ay nabitiwan ni Lean si Miko at gumulong ito ng dalawang metro palayo sa kanya. Tinignan ni Lean si Miko at pagkatapos ay tumingila siya at huminga ng malalim. Ngunit bigla siyang napatingin sa kanyang kaliwa ng makarinig siya ng kaluskos na nanggagaling doon. Si Tera ang papalapit sa kanila...
Pinipilit ni Lean na tumayo ngunit nakaramdam ulit siya ng matinding sakit mula sa sugat na kanyang tinamo sa laban niya kanina sa devourer na si Dilan...
Marahan ang mga hakbang ni Tera at kitang-kita sa mga mata nito ang intensyong pumatay...
Tinitignan ni Lean ang kanyang mga kamay dahil sinisikap niyang tawagin ang kanyang espada ngunit wala ng lumalabas na enerhiya mula sa kanya...
"Kahit ang sarili kong sandata ay hindi ko na magamit. Naloko na..."
Patuloy si Tera sa paglapit sa kanila kaya naman pinwersa ni Lean ang sarili na tumayo gamit ang lahat ng kanyang lakas. Gayunpaman, wala na siyang maisip na paraan kung papaano pa siya makakalaban sa papalapit na kaaway...
"P-patayin ko kayo..." bulong ni Tera
Ngunit biglang natigilan si Tera sa paglakad ng biglang tumarak sa lupang nasa harapan niya ang sandata ni Beth na si Cheesecake at nasa bibig nito ang patalim na gawa sa nagliliwanag na enerhiya. Tinanaw ni Tera si Beth na nakadungaw sa balkonahe at diretso ring nakatingin sa direksyon niya...
"A-ang mga mata niya. Kaya na niya akong tapusin kung ginusto niya..." Ito ang konklusyon na tumatak sa isipan ni Tera habang nakatingin sa mata ni Beth.
Yumuko na lamang ang kaaway at ngumiti. Pagkatapos ay tinignan niya si Lean at sinabi...
"Babalik ako."
Matapos iyon ay nagsimula nang maglakad si Tera palayo. Alam ni Lean na hindi na dapat pakawalan ang kalaban ngunit ni isang hakbang para sundan ito ay hindi na niya magawa.
Nilingon na lamang ni Lean ang walang malay na si Miko at napangiti siya at sinabi sa sarili...
"Kung kaya mong gawin ang lahat para sa isang kaibigan... kakayanin ko rin."
[Itutuloy...]
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...