Chapter 73: Labanan sa FAT

13 7 0
                                    


Sa kalagitnaan ng gabi sa FAT, nasa kani-kanilang kwarto sina Luisa, Amabii, at Russel. Hindi pa rin makatulog si Luisa lalo na dahil bukod sa pag-aalala sa mga kaibigang nakikipag-laban sa Metro City ay dumagdag pa ang tagpong naganap ilang minuto lang ang nakakaraan sa pagitan nila ni Giel...

"Ayos lang ba siya? Hindi... may mali."

Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Luisa kaya naman muli siyang bumangon upang puntahan ang kwarto ni Giel para kausapin ito.

Kinatok niya ang pinto ng marahan ng ilang ulit at ng walang anumang sagot ay hinawakan niya ang door knob at kanyang nalaman na...

"Bukas?"

Bukas ang pinto kaya naman dahan-dahan niyang sinilip ang loob at agad niyang napagtanto na patay ang ilaw at walang tao doon.

"Giel? Hindi kaya..."

Dali-daling tumakbo si Luisa upang habulin ang kaibigan na sa kanyang hinala ay nilisan na sila.

- - - - -

Kasabay ng mga sandaling iyon ay narating nina General Musni ang FAT. Agad na bumaba ang kanyang mga tauhang nasa unang sasakyan at binaril ang isang guwardiyang unang nakapansin sa kanila, ngunit walang tunog ng putok na narinig sa baril na kanilang ginamit.

At mula sa pangalawang sasakyan ay bumaba si General Musni at dahan-dahan itong naglakad papalapit sa guwardya na wala ng malay na nakahiga sa sahig...

"Tranquilizer bullets. Napakahusay ng pagkakagawa namin sa mga balang ito na sa isang iglap lang ay kaya agad patulugin ang sino mang tatamaan." Sa isip ni General Musni

Nilingon ni General Musni ang pangatlong sasakyan nila at matapos itaas ang dalawang daliri nang magkadikit biling isang senyas ay may bumabang isang tauhan niya mula doon na may dalang mistulang isang bazooka.

Inasinta noon ang himpapawid at doon ay pinaputok ang bazooka. Ngunit ang pagsabog na nilikha ng balang lumabas mula doon ay hindi katulad ng sa mga pangkaraniwang pampasabog...

"Ngayon, hindi na kayo makakahingi ng tulong." Sa isip ni General Musni na nakangiti

Apat na tao mula sa unang sasakyan ang kanyang inutasan...

"Pasukin niyo, pabagsakin ang lahat pero wag niyo silang papatayin. Kailangan ko sila ng buhay."

At pagkabigay ng utos na iyon ay agad siyang nagulat dahil mismong sa tapat ng gate ay napansin niyang may nakatingin sa kanya at hindi siya natagalan sa pagkilala sa babaeng nasa harapan niya...

"Ikaw si Luisa!" Sabay turo sa babaeng natatanaw niya

"S-sino sila?" Iyon ang tanong ni Luisa sa sarili na agad naman niyang nasagot matapos makita na nakahandusay sa sahig ang isa nilang guwardiya

"Kunin siya!" Utos ni General Musni

At agad anmang sumunod ang kanyang mga tauhan na bumunot ng baril.

Sa puntong iyon ay nagising ang isa pang guwardiya na natutulog ngunit bago pa siya nakaporma ay binaril na agad siya ng pampatulog

Agaran at taranta namang tumakbo si Luisa!

"Kailangan naming tumakas!"

Agad na pinuntahan ni Luisa ang kwarto ni Amabii at sunod-sunod na malalakas na katok ang kanyang ginawa...

"T-teka lang... Sino bang..."

Hindi na nagawang tapusin pa ni Amabii ang kanyang sasabihin dahil agad hinwakan ni Luisa ang kanyang kamay at hinila siya patakbo...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon