TM 96: Love Saga III

16 5 1
                                    

"Ohh wag ka matakot, parang kagat lang to ng langgam..."

"Anong pangalan mo?"

Bakas sa mukha ng batang lalaki ang kaba sa dalawang tao, isang lalaki at isang babae na nagtatanong sa kanyang pangalan.

May hawak na gamot na nasa isang injection ang lalaki habang ang babae naman ay nakangiting tinatanong ang kanyang pangalan...

Umiiling lamang ang batang lalaki na tila takot sa injection pero napawi ito ng lumapit ang kanyang ina para amuhin siya...

"Sandali lang 'yan Ace, para 'di ka magkasakit tulad nina mama at papa..."

"Ayaw ko... masakit 'yan."

Lumapit ang babae na kanina ay nagtatanong ng kanyang pangalan...

"Ace pala pangalan mo... ang pogi pogi mo naman Ace. Sayang hindi namin kasama yung baby namin. Ito siya oh..."

Binunot ng babae ang kanyang wallet at ipinakita ang larawan ng isang batang babae na nakatago doon...

"Isasama ko siya sa susunod para maglalaro kayo ha... magka-edad naman kayo."

"Sige po!" Sagot ng bata habang tinitignan ang larawan ng batang babae

Isang lalaki naman ang biglang dumating at tumakbo ang bata papunta sa kanya...

"Oh anak.... nagpa-injection ka na ba?"

"Ayaw papa..." Sagot ng bata

Lumuhod ang kanyang tatay at sinabi...

"Matapang at malakas si Ace di'ba."

Hindi makasagot ang bata...

"Ace... kapag nagpa-injection ka na, ibibigay ko sa'yo 'tong picture ng baby namin."

At tila napaisip ang bata habang tinitignan muli ang larawan...

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 96: Love Saga III

- - - - - - - - - - - - - - - - -

"Ngayon gawin mo ito..." Utos ni Master Eddie kay Miko habang hawak-hawak niya ang Spirit Ball

Sinunod ni Miko ang sinabi ng kanyang ama at bumuo ng isang Spirit Ball...

"Susubukan ba natin kung kanino ang mas malakas?" Pagyayabang ni Miko

"Tsk." Iritadong reaksyon ni Jeremiah habang nanunuod

"Huwag mong minamaliit ang isang Spirit Master Miko..."

Pagkasabi nito ay nabalot ng spiritual na enerhiya ang katawan ni Master Eddie

At sa isang kisap mata...

Lumabas ang enerhiya mula sa katawan ni Master Eddie at nabuo bilang mga Spirit Ball na nakalutang paikot sa kanyang katawan.

Nagulat sina Miko at Luisa sa nakita...

"Gusto mo pa bang subukan kung kaninong Spirit Ball ang mas malakas?" Tanong ni Master Eddie kay Miko

Wala namang naisagot si Miko.

"Ibang klase..." Sa isipan ni Luisa

"Jeremiah, gusto ko makita ngayob kung hanggang saan na ang naabot mo sa pagsasanay." Utos ni Master Eddie sa isa pa nyang anak

Gumawa si Jeremiah ng Spirit Ball sa kanyang kanang kamay. Tahimik namang nakatingin sina Miko at Luisa...

Nang biglang inihagis ni Jeremiah ang Spirit Ball patungo sa direksyon ni Luisa!

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon