Chapter 48: Matematika!

20 14 0
                                    


Pinigilan ni Beth ang atake ni Tera sa pamamagitan nang paghawak sa kamay nito at hinila nya si Tera papalapit sa pader upang magkapalit sila ng posisyon. Sinamantala naman ni Tera ang pagkakataon at sinipa nya si Beth na naging dahilan para mapabitiw sa kanya at mapalayo si Beth. Dahan-dahan namang naglakad si Tera papalapit kay Beth habang sinasabi

"Mukhang ang kaya mo lang gawin ngayon ay ang umiwas at tumakbo."

Ngumiti si Beth at sumagot...

"Tatapusin na kita ng mabilis."

"Hihihi! Hahaha! kalokohan!" pang-iinis ni Tera

Ngunit pagkatapos sabihin iyon ay biglang nagbago ang reaksyon sa kanyang mukha at tila nanigas ang katawan...

"A... ano ito?..." Tanong nya sa sarili

Biglang nagbago ang nakikita ng mga mata ni Tera. Tila nawala siya sa lugar kung nasaan sya kanina at nawala rin sa harap nya si Beth. Ang alam nya ngayon ay nasa isa syang pabilog na kwarto na ang mga pader ay nababalot lang ng walang ibang kulay kundi puti. At ang tanging nasa harap nya ay isang pisara...

"I... isa itong... ilusyon." Bulong ni Tera sa sarili

dahan-dahang nagkaron ng sulat ang pisara at nabuo doon ang isang mahabang tanong na binubuo ng mga numero at titik na ginagamit sa matematika, at ang sagot sa dulo ay nanatiling blanko. At doon naman sa pinakataas na gitnang bahagi ng pisara ay sumulat ang numerong "60".

- - - - -

Ang "matematika". Isang kakayahang likas sa lahi nila Beth kung saan ang kalaban ay nakukulong sa isang ilusyon hanggang hindi nila nasasagot ang tanong na inihaharap sa kanila o kaya ay maubos ang oras ng ilusyon.

Ang paraan na ito ay may iba-ibang epekto na nakabase sa kung sino ang gumagamit. Ang kay Beth ay tumatagal lamang ng animnapung segundo ngunit sinisigurado nito na hindi masasagot ng kahit na sinuman ang tanong.

- - - - -

Nasa harapan ngayon ni Beth si Tera na nakatayo lamang at tulala dahil nakakulong ito sa ilusyon na ginawa ng kanyang kakayahan...

"Para magamit ang kakayahang ito, kailangang mahawakan ko muna ang kalaban, at nagawa ko iyon noong huli nyang pag-atake. Bukod doon, kahit nasa perpektong kondisyon ako ay hanggang dalawang beses lang sa isang araw ko kayang gamitin ito."

Nagliwanag si Beth at ang liwanag ay unti-unting naipon sa kanyang palad hanggang sa lumabas si cheesecake, ang kanyang buhay na sandata na katulad ng ginagamit ni Karla. Ngumanga iyon at mula sa bibig noon ay lumabas ang isang patalim na gawa sa liwanag na may labing dalawang pulgada ang haba.

"Light Pick!" ang tawag ni beth sa sandatang iyon

Ang sandatang ito ang katapat ng Blueberry Machine Gun ni Karla at di katulad noon na ginawa para harapin ang maraming kalaban, ang "light pick" naman ni Beth ay nakadisenyo para siguruhing matatalo ang kalaban sa isang atake lamang.

Inasinta ni Beth ang ulo ng diyablo na si Tera at agad na lumipad at bumulusok si Cheesecake kung saan nakakabit ang Light Pick patungo sa target.

"Tapos na." Bulong ni Beth

Ngunit nagulat sya ng biglang may tila pader ng masamang enerhiya na humarang sa kanyang Light Pick bago pa nito maabot si Tera. Ang baluti na iyon ay nakapalibot kay Tera na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin sa ilusyon ng matematika.

"Tsk... paano sya nakapaglabas ng panangga ngayong nakakulong pa sya sa ilusyon" Sa isip ni Beth

Dinagdagan ni Beth ang enerhiya na na kay Cheesecake at nagsimulang umikot ang Light Pick na katulad ng sa isang drill na sinusubukang sirain ang pader ng masamang enerhiya na pumuprotekta kay Tera.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon