TM 140: Miko at Giel

11 3 0
                                    

He survived and now he's back just before the upcoming final battle between the Ministry and the Union! Let the Ignis Fatuus Arc begin!!!

--------------------------------------------------------------

"Giel!"

Ito ang malakas na sigaw ni Miko na umalingawngaw sa buong paligid!

Dahan-dahang binuksan ni Ruel ang pinto ng sasakyan...

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Emma

Agad namang sumagot si Ruel sa pamamagitan ng pagsasabi ng "Dito lang kayo. Aalis tayo sa hudyat ko."

Hindi naman mapakali si Emma dahil bukod sa hindi niya kilala kung sino ang mga humahabol sa kanila ay hindi nya rin naiintindihan ang buong sitwasyon.

At tuluyang bumaba sa sasakyan si Ruel at hinarap si Miko.

Labis na nanlaki ang mata ni Miko sa kanyang nakita. May kaunting pagbabago man ay hindi siya maaaring magkamali na kilala niya ang taong nasa harapan niya.

"Ano masaya ka na ba? Pwede mo na ba kami padaanin?"

Tanong ng malamig na tinig ng lalaking bumaba sa sasakyan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 140: Miko at Giel

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Nakipag-usap na ko sa gobyerno para arestuhin itong si Mr. Phillips dito dahil sa mga iligal na armas at droga na nasa barkong ito."

Sabi ni Master Nok kay Lean habang pareho silang nakatanaw sa malawak na dagat.

Hindi naman sumagot si Lean.

"Talagang wala dito ang utak mo." Nakangiting sinabi ni Master Nok

"Wala pa bang balita galing kina Karla?" Tanong ni Lean

Sakto namang pagkasabi noon ay tumunog ang telepono ni Master Nok!

- - - - -

Samantalang, hindi naman maintindihan ni Miko ang naghahalong mga emosyon na kanyang nararamdaman kaya ang tangi niyang nasabi ay...

"Bakit?"

Isinara ng lalaking kanyang kaharap ang pinto ng sasakyan kung saan ito nanggaling pero hindi ito sumagot at sa halip ay nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ng dalampasigan.

"Bakit hindi ka bumalik?!" Sigaw ni Miko

Pero hindi pa din siya sinagot ng kanyang kausap na patuloy pa rin sa paglalakad. Doon na nagsimulang balutin ng magkahalong lungkot at galit ang mukha ni Miko na dahan-dahan ding naglakad papunta sa parehong direksyon.

"Bakit mo ginagawa 'to Giel?" Sunod na tanong ni Miko

Doon lamang sumagot ang lalaking tinawag niya sa pangalang Giel...

"Ginagawa ang ano?"

Lalong nainis si Miko sa mistulang pagmamaang-maangan ng kanyang kausap at agad iyong mababakas sa pagsara ng kanyang kanang kamao.

"Ang kaguluhan ngayong araw! Ikaw ang may gawa nun di'ba?!"

Tumigil si Giel sa paglalakad ng ang saradong kalsada na lamang ang namamagitan sa kanila at ng dagat. Yumuko ito at ngumiti.

"Anong nakakatawa?!" Sigaw ni Miko

Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Giel. Nandilat ang mga mata nito at agad tumingin kay Miko!

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon