Chapter 34: Dahilan para Lumaban

25 15 0
                                    


Sa lumang themepark na may mala-kastilyong disenyo sa gitna ng kagubatan dulong timog mula sa siyudad...

"Hindi sila kumagat sa bitag, ito ba ang pinagmamalaki mong plano?" Tanong ni Asmo kay Dilan sabay turo sa walang malay na si Russel

"Hahaha..." mahinang tawa ni Dilan

"Tsk, anong nakakatawa?!" Tanong ni Asmo

"Wala ka talagang alam. Hindi mo pa nga kilala ang mga taong kalaban natin." Sagot ni Dilan

Sumabat si Tera sa usapan ng dalawa...

"Tama. Sila yung klase ng mga tao na hindi matitiis ang iba. Siguradong babalikan nila ang isang yan."

"Tsk, papaano kung hindi?" Muling tanong ni Asmo

"Hahaha, ubusin natin lahat ng tao sa paligid hanggang sa sila na lang ang matira. Madali lang naman iyon." Sagot ni Dilan

"Hmmm..." Reaksyon ni Asmo na may ngiti sa labi

- - - - -

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nasa tabing dagat na si Lean at inaalala ang mga tagpo kung saan nadakip ng mga diyablo ang binatang si Russel...

"Wala man lang akong nagawa... kainis!" Sa isip ni Lean

Nagliwanag ang kamay ni Lean at lumabas ang espada, humiwa sya ng tatlong beses sa hangin at pagkatapos ay tinignan nya ang sariling repleksyon sa espada. Naalala nya ang kanyang pagkabata, ang panahong kasama pa nya ang kanyang mga magulang...

"Lean kakain na..." Pagbati ng kanyang ina

Hindi nya ito pinapansin dahil abala sya sa paglalaro ng laruang espada...

"Paglaki ko huhulihin ko lahat ng mga masasamang tao!"

Pahayag nya...

Dumating ang kanyang ama at sabay ang kanyang mga magulang na natawa sa narinig. Matapos maalala ang maikling tagpong iyon ay nangako sya sa sarili...

"Tatalunin ko ang mga diyablo at ililigtas ko ang batang iyon, pangako sa harap ng ala-alang iniwan nyo sa akin."

Isang tinig mula sa likuran ang bumasag sa kanyang pag-iisa

"Tungkol ba yan sa nangyari kagabi?" Tanong ni Giel

- - - - -

Si Mochi naman ay nagtungo sa kwarto ni Janine para pakainin

ito ng almusal...

"Anong nangyari sa lakad niyo?..." Tanong ni Janine

"Mas malakas na ang mga devourers ngayon ate, at patuloy pa rin sila sa pagkuha ng mga tao. Pero syempre kayang-kaya pa rin namin sila hahaha" Sagot ni Mochi

"Ganun ba... sila ate?" Tanong ni Janine

"Kausap si Master Nok..." Sagot ni Mochi

- - - - -

Kagaya ng sinabi ni Mochi, nagpupulong nga sila Master Nok,

kuya Kan, Karla at Beth...

"Napakarami nilang mga kasamang iba pang diyablo. Mukhang hinikayat nila ang mga iyon sa pangakong magkakaroon din sila ng pisikal na katawan." Salaysay ni Beth

"Mas grabe na pala ang sitwasyon kung ganun..."

Reaksyon ni kuya Kan

"Hindi lang yun, mas naging tuso na sila sa pagkakataong ito." Dagdag ni Karla

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon