TM 100: Love Saga Finale

21 4 1
                                    

.

..

...

Sa tuwing malapit ng makuha ni Luisa ang stuffed toy at nabibitiwan ito ng crane kaya nabibigo siya.

"Tsk" Bulong ni Luisa sabay hampas sa pindutan.

"Try mo ulit!" Sabi ni Miko

Nagulat si Luisa ng marinig ang tinig mula sa likod, nilingon niya si Miko at nginitian, tapos ay naghulog muli siya ng token at sinubukan ulit...

"Ayan, ayan malapit na...." Sabi ni Miko habang nakatingin sa crane

Ngunit gaya ng mga nauna ay nabigo ulit si Luisa na makuha ang stuffed toy. Pumikit siya at huminga ng malalim...

"Huh, madalas talaga mahirap palayain ang mga nakakulong..." bulong ni Luisa

"Mahirap talaga, pero pwede namang subukan ng subukan." Sabi ni Miko habang lumalapit sa crane para laruin ito.

...

..

.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 100: Love Saga Finale

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sa harapan ng kastilyo na pinoprotektahan ng dalawang-daang mandirigma ni Ace, nakatayo at nakatingala sina Miko, Jeremiah, at Andro. Mula sa balkonahe ay nagsalita ang isang babae...

"Anong kalapastangan ang pumunta ng ganitong oras sa palasyo?"

"Veronica, gusto lang namin makita si Luisa." Sagot ni Jeremiah sa babae

"Alam mong pinatawag siya ng hari, nandito lang siya sa loob. Umuwi na kayo." Utos ni Veronica

"Hindi kami aalis dito ng hindi siya kasama!" Malakas na sigaw ni Miko

Umalingawngaw ang malakas na pagsigaw ni Miko sa buong palasyo na hindi nakaligtas sa pandinig ni Luisa at ni Ace. Napangiti si Ace at sinabi kay Luisa...

"Nandyan na ata ang sundo mo."

Agad namang bumunot ng baril si Veronica at itinutok iyon kay Miko.

"Pinapa-alis ko kayo ng mapayapa pero mukhang hindi marunong makinig ang kasama mo Jeremiah!"

Kasabay noon ay itinutok din ng mga sundalo ang kanilang mga baril kina Miko, Jeremiah, at Andro.

"45 caliber ang gamit nila, ito lang ba ang kayang bilhin ng palasyo?" Sa isip ni Andro

"Jeremiah mukhang hindi sila madadaan sa pakiusap." Bulong ni Miko kay Jeremiah

Huminga ng malalim si Jeremiah at sa isang bagsak ng lahat ng naipong hangin ay kanyang isinigaw...

"Ace!!!"

"M-magkapatid nga sila..." Reaksyon ni Andro sa ginawa ni Jeremiah

"Tsk! Arestuhin sila!" Reaksyon at utos naman ni Veronica

"Huwag na Veronica" Sabi ng isang tinig galing sa loob ng palasyo na papalabas.

Kilala nila ang boses na iyon dahil iyon ay ang boses ng kanilang batang hari.

"Kamahalan." Sabay lingon at luhod ni Veronica

At mula sa ibaba ay natanaw nila Miko sa balkonahe sina Ace at Luisa.

"Luisa!" Sigaw ni Miko

"Magandang gabi Jeremiah." Pagbati ni Ace

"Pasensya ka na pero susunduin na muna namin si Luisa." Sagot ni Jeremiah kay Ace

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon