Chapter 20: Devourers

62 39 2
                                    

"Maraming enerhiya ang ginagamit mo para gawin ang Spirit Ball pero dahil hindi mo

nagagamit ng maayos ang lahat ng enerhiyang iyon ay mabilis itong naglalaho at

kumakalat sa espasyo. Dahil doon hindi mo magamit ng epektibo sa distansyang higit sa

15 metro ang Spirit Ball." Paliwanag ni Kuya Kan

"Pero ano ang dapat kong gawin?" Tanong ni Miko

"Ikaw na rin ang nagsabi kanina... Focus!" Sagot ni Kuya Kan

"Focus?... pano?" Tanong ni Miko

Dahan-dahang itinaas ni Kuya Kan ang kanyang kanang kamay at inilapat sa mga mata

ni Miko. Sinabayan naman ito ni Miko ng pagpikit...

"Payapain mo ang iyong isipan at alisin mo lahat ng laman nito... Ngayon damin mo

sa iyong katawan ang makalangit na enerhiyang nasa loob at dahan-dahang padaluyuin

ito sa iyong buong katawan."

Pagkasabi noon ay inalis na ni Kuya Kan ang kanyang kamay sa mga mata ni Miko

ngunit nanatiling nakapikit si Miko habang nababalot ng puting liwanag ang kanyang

katawan.

"Ngayon sa isang iglap ipunin mo ang enerhiyang yan sa Spirit Ball!" Utos ni kuya Kan

Iminulat ni Miko ang kanyang mga mata at mabilis na binuo ang Spirit Ball...

"Haaaa! Spirit Ball!" Sigaw ni Miko sabay hagis ng Spirit Ball papunta sa bato na nasa

gitna ng dagat.

Umabot ang Spirit Ball sa bato, sumabog at nadurog ang bato. Nagulat si Miko na sa

pagkakataong iyon ay mas malayo na ang narating ng kanyang Spirit Ball.

"Kita mo na?" Sabi ni Kuya Kan na may ngiti sa labi

"Hahaha! Ayos! Isa pa nga..." Pagmamayabang ni Miko sabay gawa ulit ng Spirit Ball

Inihagis muli ni Miko ang Spirit Ball sa parehong direksyon pero bumalik na naman sa

dating distansya ang naabot nito...

"Waah? Ba't ganun?" Tanong ni Miko

"Hindi ganun kadali yan, kailangan mong paglaanan ng maraming oras ang pag-eensayo.

Gawin mo yan ng paulit-ulit hanggang sa maabot mo yon." Utos ni Kuya Kan sabay

turo sa batong nasa mas malayo

Nanahimik si Miko ng ilang sandali habang nakatingin sa bato sa gitna ng dagat na itinuro

ni Kuya Kan atsaka ngumiti at punong-puno ng determinasyong sinabi "Okay!"

- - - - -

Kina-umagahan ay nagpulong sina Master Nok, Karla at Beth sa opisina ni Master Nok

"Nabigo kaming ubusin sila at di namin inakala na kami pa pala ang susundun nila dito."

Pambungad ni Karla

"Devourers. Apat na daang taon na ng huling magkaroon ng tala ang mga datos patungkol

sa mga diyablong ito. At may ilan pa rin pa lang nakakagala dito sa daigdig natin."

Sabi ni Master Nok

"Kailangan na natin simulan ang paghahanap sa kanila sa lalong madaling panahon..."

Suhestiyon ni Karla

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon