Chapter 2: Kakampi o Kalaban? Giel ang Pangalan

288 109 1
                                    

Chapter 2: Kakampi o Kalaban? Giel ang Pangalan

 "Halos magka-edad lang kayong dalawa, yan si Giel." ang sabi ni Master Nok

 "Ayos, may makakasundo pala ako dito..." sagot ni Miko

 "Natagpuan namin siya anim na buwan na ang nakakaraan sa isang aksidente. Wala siyang kasama 

at walang   kamag-anak na naghanap sa kanya, wala rin siyang masyadong maalala kaya dinala namin 

sya dito." Kwento ni Master Nok.

 Sa kalagitnaan ng kanilang usapan ay bigla silang sinalubong ni Kuya Kan.

 "Nandito na pala kayo, bakit parang natagalan kayo?" Tanong niya

 "Naglakad lang kami at nagkaroon pa ng kaunting problema sa daan. Sakto lang at 

nakapagpakitang-gilas itong si Miko." Sagot ni Master Nok.

Natawa si Miko at napakamot ng ulo sa narinig.

 "Hindi naman..." sabi niya habang tumatawa

 "Oh pumasok na muna tayo." pagyayaya ni kuya Kan

Habang naglalakad papasok ay nakatingin si Miko kay Giel na biglang tumayo sa kinauupuang bato at 

naglakad papalapit sa isang training dummy. Pagpasok sa loob ng FAT ay nagulat si Miko sa laki ng 

base na ito.

 "Magikot-ikot ka muna sa lugar Miko, may pag-uusapan lang kami habang niluluto ang pagkain." utos ni 

Master Nok.

Sabay na naglakad palayo sina Master Nok at kuya Kan.

- - - - -

Sinusuntok-suntok ni Giel ang training dummy ng lumapit si Miko sa isa pang dummy at sinuntok-suntok

din ito.

"OK ito ah..." sabi ni Miko

Pero hindi siya pinapansin ni Giel.

"Ako nga pala si Miko, kararating ko lang kani-kanina. Ikaw si Giel diba? ikinagagalak kitang makilala." 

Sabi ni Miko na may ngiti.

Pero di pa rin siya pinansin ni Giel.

"Hmmm... alam mo mas masarap mag-training kung gumagalaw ang dummy."

Napatigil si Giel at tumingin kay Miko. Nagka-initan sila ng tingin.

"Grr... ano ba naman tong isang ito" Sa isip ni Miko.

Ngunit nagulat si Miko dahil biglang gumalaw si Giel ng mabilis palapit sa kanya. Sa gulat ay hindi na 

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon