Chapter 69: Riot!

18 7 0
                                    


Hinataw ni Venoch ng kanyang plawta ang Spirit Ball ni Miko na naging sanhi para tumilapon ito patungo sa ibang direksyon patungo sa himpapawid.

"Imposible." Bulong ni Miko na damang-dama pa rin ang sakit sa kanyang tagiliran

"A-ang sandata niyang yon..." Sa isip ni Lean habang kinikilabutan sa maaring mangyari

... at nagsalita si Venoch

"Sinabi ko naman sa inyo hindi ba... Napakahina ko kung ikukumpara sa prinsipe ng kadiliman, pero ang labang ito sa inyo... ay isa lamang libangan para sa akin."

Sumagot naman si Miko ng... "Kanina pa... kanina ka pa salita ng salita ng kung anu-ano na hindi naman namin naiintindihan!"

Lalong humalakhak sa narinig si Venoch at dinagdagan pa ang kanyang litanya...

"Tinatawag siyang prinsipe, o hari, o kahit ano pa man, wala siyang kapantay... at siya ang papalit sa Diyos."

Nagulat si Lean sa narinig dahil agaran niyang naalala ang sinabi ni Master Nok noong gabing ninakaw niya ang espada sa FAT...

Ang ala-ala ng gabi bago siya nagdesisyong maging bahagi ng Ministry...

...

...

"Ibinilin sa akin yan ng mga magulang mo bago sila nagtungo sa huli nilang misyon..." Dugtong ni Master Nok

"Kasinungalingan! Sinabi nila sa akin na lilisanin na nila ang Ministry para magkaroon ng oras at magkasama-sama muli kami. Umalis sila para magpaalam pero hindi na sila nakabalik. At ito... ang tanging naiwang ala-ala nila." Sabi ni Lean

"Hindi mo maaring ituring na di totoo ang isang bagay base lamang sa kakaunting alam mo..." Sagot ni Master Nok

Nagulat si Lean ng marinig ang pangungusap ni Master Nok...

"Malakas ang pwersa ng kadiliman na hinarap namin ng mga panahon na iyon. Inaasahan ng mga diyablo ang pagdating ng kanilang hari dito sa lupa at lumaban kaming lahat, kasama na ang iyong mga magulang para pigilan iyon..." Sabi ni Master Nok

...

...

Nanlamig si Lean matapos maalala ang sinabi ni Master Nok nung gabing iyon...

"I-ibig sabihin, totoo ang sinasabi ng diablong 'to? Na merong napakalakas na kasamaan na paparating?"

Hawak-hawak pa rin ni Miko ang kanyang tagiliran habang sinusubukan niyang tumayo ng dahan-dahan...

"Lean... isa pa, subukan ulit natin." Sinabi ni Miko

Ngunit ng tignan ni Miko si Lean ay nagulat siya dahil walang reaksyon ang kaibigan sa sinabi niya bagkus ay halata niyang malalim ang iniisip nito...

"Lean!" Sigaw ni Miko sa tainga ng kaibigan na ikinagulat at nagbalik sa malay nito

Para namang namulat si Lean sa kasalukuyang realidad sa narinig... Pero ang kasunod niyang narinig ay isang musika... isang musikang nanggagaling sa tinutugtog na plawta ng diablong nasa harapan niya...

Mabilis na tinakpan ni Lean ang kanyang tainga at ng makita iyon ay gumaya na rin si Miko...

"Gumagamit din pala siya ng musika. Delikado, narinig namin ang tunog." Sa isip ni Lean

Tinignan ni Lean si Miko na ngayon ay nakatingin naman kay Venoch habang tumutugtog...

"Miko..." Bulong ni Lean

Tinignan ni Miko si Lean at nagtanong ito "Anong gagawin natin?"

Doon napagtanto ni Lean na wala namang epekto sa kanila ni Miko ang musikang nililikha ni Venoch.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon