Bigla namang may matalim na kuryenteng lumabas sa kanang kamay ni Michaelhabang tinatanaw niya sina Lean at Miko na naghahanda para lundagin sila...
"Binabalaan ko kayo, kapag ako ang gumawa nito, hindi ako magtatagal katulad nitong kasama ko." Pagbabanta ni Michael
"Kidlat. Kaya ko ba talagang talunin ang Earth Edge niya?" Sa isipan ni Lean
"Ganito na lang Michael, paramihan tayo ng mapapabagsak sa kanila!" Pagyayaya ni Kurt
"Ngayon na!" Hudyat ni Lean
Pagkarinig nang hudyat ni Lean ay agad na tinangka ni Miko na lumundag ngunit natigilan siya dahil hindi pa naalis ang Astral Barrier ni Lean na pumu-protekta sa kanila...
"Lean?" Tanong ni Miko
"M-miko..." sabi ni Lean na tila naninigas ata di makagalaw
At sa isang iglap ay naramdaman din ni Miko ang parehong sensasyon na nararamdaman ni Lean at dahilan kung bakit hindi ito makagalaw.
"Tsk! Sana hinintay mo munang mawala ang baluti na pumuprotekta sa kanila... Amanda." Sabi ni Kurt habang tinitignan sina Miko, Lean, Mochi, Russel, Agape, at Amabii na pare-parehong di makagalaw.
Sobrang gulat nila sa narinig na sinabi ni Kurt at kahit mata na lamang ang naigagalaw nila ay ibinaling nila ang atensyon sa kung nasaan si Amanda at doon nila nakita na nakatayo na ulit ito!
"Nakakagalaw pa siya... at nasa loob siya ng Astral Barrier!" Gulat na reaksyon sa isipan ni Lean
Malalim ang paghinga ni Amanda ngunit mas nakakatakot ang kadiliman sa kanyang mga mata habang kanyang sinasabing "Hindi pa ako tapos."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 113: Kapangyarihan ng Union
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"N-n-nakakagalaw ka pa p-pala..." Sabi ni Russel na nahihirapang makagalaw
Nginitian naman ni Amanda si Russel at sumagot...
"Akala mo ba talaga natalo mo na ko?"
Mula naman sa daliri ni Kurt ay lumabas muli ang isang mahabang liwanag patungo kay Lean ngunit hindi iyon tumagos sa Astral Barrier.
"Asar! Hoy Amanda! Tapusin mo na yang lalaking may espada, siya angmay gawa sa baluting 'to!" Pasigaw na utos ni Kurt
"Tumahimik ka!" Pabalang na sagot ni Amanda
"Tsk!" Galit na reaksyon ni Kurt
"Nakapagsimula na ako Kurt..." Sunod na sinabi ni Amanda
Pagkasabi noon ay biglang binalot ng naghahalong kulay itim at lila na enerhiya ang katawan ni Amanda!
"P-paanong!" Reaksyon ni Miko habang nanlalaki ang mga mata sa nakitang nangyayari kay Amanda
"Enerhiya ng kadiliman! Imposible 'to!" Ito ang ideyang naglalaro sa isipan ng gulat na gulat na si Lean
At sumunod noon ay biglang may mala tintang bagay na lumabas sa katawan nina Miko, Lean, Mochi, Agape, Russel, at Amabii...
"I-ito yung t-tattoo nya!" Bulong ni Agape
"S-sir Lean..." Naluluhang banggit ni Amabii
"Anong ibig sabihin nito Kurt?" Tanong naman ni Michael
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...