Madaling araw kinabukasan...
"Sobrang yaman nila pero parang napakagulo ng buhay nila."
Komento ni Agape habang nanunuod ng tv kasama si Mochi na noon ay kumakain ng cake
"May mga mahihirap din naman na magulo ang buhay..." Sagot ni Mochi
"Pero iba naman to, debut tapos nagkaroon ng patayan."
"Ayun ngaa" Hirap na sabi ni Mochi dahil ngumunguya siya ng cake
Pinindot ni Agape ang remote para isara na ang telebisyon at saka sinabi...
"May mga problema din tayo dito sa loob ng Ministry."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 124: Si Luisa ng Union
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Kamusta siya?" Tanong ni Lean kay Karla na nakaupo sa harapan ng kwarto kung nasaan si Miko
"Limang-araw na ang nakalipas, tulala pa rin... mukhang hindi siya nakatulog.
Mabilis nakakabawi ang katawan niya. Mukhang pinapadali ng spiritual na enerhiya niya ang kanyang paggaling." Sagot naman ni Karla
Wala ng naisagot si Lean dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin o gawin kung meron man.
"Bakit hindi mo siya puntahan? Baka kailangan ka niya." Suhestyon ni Karla
Umiling muna si Lean bago sumagot "Wala akong maitutulong sa ngayon." at pagkatapos ay naglakad siya papalapit at umupo sa tabi ni Karla.
"Anong nangyari sa Silangan?" Tanong ni Lean
"Ayos naman. Pinangungunahan ngayon ni Master Sin ang mga bayan doon upang magsimulang bumuo ng panibagong gobyerno." Sagot ni Karla
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin." at tinignan ni Lean si Karla at kasabay noon ay ganun din naman ang ginawa ni Karla
Seryoso ang kanilang mga tingin pero si Karla ang unang umiwas ng tingin dahil halata sa kanyang mata ang pagkabalisa...
"Wala na kaming mga kalabang dinatnan. Mukhang nagkaroon ng labanan sa kuta ng mga diyablong sinasabi ni Master Sin pero di kami sigurado kung natalo sila o kusang umalis." Paliwanag ni Karla
"Kung ibabase sa impormasyong sinabi ni Master Sin, malakas ang mga diyablo na yun na kaya nilang lumaban sa isang Spirit Master. Malamang ay umalis na lang ang mga diyablo na yun." Kuro-kuro ni Lean
"Hindi ko alam... mahirap hulaan kung ano talaga ang nangyari. Mahalaga ayos na muna sa ngayon. Ang dapat na inaasikaso natin ay ang Union." Sabi ni Karla
- - - - -
Pasikat na ang araw... sa isang abandonadong gusali...
"Ngayong nasabi ko na sa'yo ang kwento namin, ano ang pasya mo?" Tanong ni Jay sa babaeng nakaupo sa upuang gawa sa bato
Ngunit hindi sumagot ang babae...
"Ganun ba, gaya ng ipinangako ko, makakaalis ka na." Sabi ni Jay
"Sabihin mo, bakit kailangang gawin niyo 'to? Naniniwala ba talaga kayo na mababago ninyo ang mundo?" Tanong ng babae
"Oo!" Madiing sigaw ni Jay na ikinagulat ng babae
At natigilan silang dalawa. Si Jay ang bumasag ng sandaling katahimikan nang kanyang sabihin...
"Magtatagumpay ang Union kahit wala ka, pero gaya ng nasabi ko na, makakadagdag sa porsyento ng tagumapay ng aming plano ang tulong na maibibigay mo. Pero kung ayaw mo, walang magbabago. Sa susunod na magkita tayo ituturing na kitang kalaban."
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...