TM 114: Silangan

11 3 1
                                    

"Hayy... lumamig na tuloy 'tong kape. Masyado akong maraming iniisip." Sa isipan ni Master Nok sabay tayo para lumapit sa kanyang coffee maker

Ngunit bigla siyang natigilan sa pagkilos pagkatapos makaramdam ng kakaibang bagay.

Inilapag niya ang tasa na kanyang hawak at nakiramdam nang mabuti...

"May isang level 10 sa paligid!"

Dahan-dahang naglakad si Master Nok papunta sa pinto habang patuloy na nakikiramdam...

"Hindi siya gumagalaw..."

Marahan din niyang binuksan ang pinto, lumabas, at isinara ito. Nagpatuloy sa paglalakad sa pasilyo papunta sa hardin at tumayo siya sa gitna...

"Ayaw ko ng gulo dito... sino ka at anong kailangan mo!" Sigaw ni Master Nok

At mula sa likod ng isang malaking puno ay lumabas ang isang taong kilala ni Master Nok...

"Nok..." Sabi ng taong nagtatago sa likod ng puno

"M-master Sin?!" Gulat na reaksyon ni Master Nok

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 114: Silangan

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"... Nakaligtas kami..." Sa isipan ni Lean habang naghahabol silang lahat ng hininga matapos nilang makaligtas kay Amanda

"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Russel

"Akala ko katapusan na natin." Sagot ng naluluhang si Amabii

Agad namang nilapitan ni Miko ang walang buhay na katawan ni Andro...

"Andro..."

At nagsimulang tumulo ang luha mula sa kanyang dalawang mata habang nakaluhod siya. Nilapitan siya ni Lean at hinawakan ang kanyang balikat para pakalmahin ang kanyang kalooban at sumunod naman ang iba sa paglapit...

"Natalo tayo..." Bulong ni Agape

"Mali ka dyan. Nagtagumpay siya." Pahayag ni Lean habang nakatingin kay Andro

na kanyang ipinagpatuloy "Naitama niya ang pagkakamali niya at namatay siyang walang pinagsisisihan."

"Niligtas niya ako..." Humihikbing bulong ni Miko "Kung di dahil sa kapabayaan ko buhay pa sana siya!"

At nang marinig iyon ay bumalik sa ala-ala ni Lean ang mga naganap sa Depth Gloriosa at sa dati nilang kasamahang si Giel...

"Miko..." Malungkot na bulong ni Lean

"Waaaaah!" Galit na sigaw ni Miko sabay suntok ng malakas sa sahig

"Kuya Miko..." Pag-awat ni Mochi

Pinahid ni Miko ang luha sa kanyang mukha at pagkatapos ay tumayo...

"Lean, pabalikin mo na sila, kailangan nating habulin ang dalawang 'yon, magbabayad sila!" Seryosong sinabi ni Miko

"Kumalma ka Miko!" Pagsaway ni Lean

"Hindi mo ba naiintindihan Lean! Masasamang tao sila!"

Galit na sigaw ni Miko sabay hawak sa damit at hila papalapit kay Lean

Nagulat naman ang iba pa nilang kasama sa nakitang pagtatalo nila...

Nagpang-abot ang matalim na mga mata nilang dalawa ng ilang sandali habang patuloy pa rin sa panginginig ang kamay ni Miko sa galit...

Pero...

Natigilan din ito matapos niyang makita ang lungkot sa mga mata ni Lean...

"Malakas sila... di hamak na mas malakas sa'tin."

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon