Chapter 47: Ang Manggagamot

24 15 0
                                    


Si Miko na nakagpahinga na ng ilang minuto ay muling tumayo at nagsimula ng tumakbo patungo sa palasyo matapos marinig ang malakas na sigaw na galing kay Asmo...

"Boses yun nung nakalaban ko dati. Ano kayang nangyayari sa loob? Hintayin nyo ko dyan..." Sa isip ni Miko

- - - - -

Malalim na ang gabi ngunit higit pa sa kadiliman noon ay ang kadiliman na unti-unting lumulukob kay Giel. Kasabay nito ay kung anu-anong mga imahe ng lugar ang pumapasok sa kanyang isipan. Mga lugar na kahit ang ala-ala nya mismo ay hindi ito magawang kilalanin. Kasunod naman ng mga iyon ay ala-ala ng isang batang kamukha niya na seryosong nakatingin ng harapan sa kanya, at sa ilang sandali pa pati iyon ay binalot na ng kadiliman.

"Sino ka?" Tanong ng isang kilalang tinig sa kanya.

"Boses ko yun?" Tanong nya sa sarili

At mula sa kadiliman ay sumabog ang isang labis na nakasisilaw na liwanag. Binura nito ng tuluyan ang kadiliman sa paligid.

Nakabalot ito kay Giel. Sinuntok nya ang pader at ang pwersa noon ay labis labis para durugin ang makapal na bato at tuluyan itong mabutas hanggang sa masilayan nya ang labas ng palasyo. Natigilan ang lahat ng nasa palasyo dahil naramdaman nila ang kakaibang enerhiyang iyon...

- - - - -

Napahinto si Miko ng marinig ang pagsabog at maramdaman ang kakaibang enerhiya na hindi nya alam kung kanino nanggaling.

Si Lean naman na nakasandal sa isang sulok at nag-aagaw buhay dahil sa malalim na sugat ay napatanong...

"Ano na naman kaya iyon ngayon?"

Si Karla ay napatigil din at dahil sa kanyang karanasan sa pakikipaglaban ay natantya nya agad ang lakas ng enerhiya na nagdulot ng pagsabog...

"Level 8"

- - - - -

Nagulat din sina Tera at Beth at iisa ang kanilang tanong...

"Tsk, anong nangyayari?"

Matapos ang pagyanig ay bumalik ang tingin nila Beth at Tera sa isa't isa...

"Hihi mukhang lalong sumasaya ang mga pangyayari sa lugar na ito." Sabi ni Tera

- - - - -

Nakatambay sa isang malapit na bundo sina Mark at J.K. na naghihintay kung ano ang mangyayari sa misyon ng Ministry na pigilan ang mga devourers. Nakuha ng pagsabog ang kanilang atensyon kaya naman agad kumuha ng binoculars si Mark para tanawin ang lugar ng pagsabog.

"Huh, mukhang masaya ang mga nagiging laban dun ha." Sabi ni J.K. habang naglalaro ng yoyo

Nakita ni Mark sa binocular ang malaking butas na likha ng pagsabog at mula doon ay nakita nya si Giel na naglalakad palabas. Wala na ang liwanag na bumalot sa kanya kanina at wala rin namang pagbabago sa itsura niya...

"hmm..." sa isip ni Mark

"Sa palagay mo ba kailangan nila ang tulong natin?" Tanong ni J.K.

Inilapag ni Mark ang binoculars at tsaka sumagot...

"Hindi na siguro."

- - - - -

Taglay ang malalim na sugat na kanyang natamo mula sa kaniyang laban kanina ay pinipilit ni Lean na tumayo habang nakasandal sa pader, at nang mabuhat ang kanyang sarili ay sinubukan nyang humakbang ngunit nakaramdam sya ng matinding panghihina at agad na bumagsak sa sahig...

"Hanggang dito na lang ba?..." Ito ang tumatakbo sa isip ni Lean ngunit sa halip na pangamba ay ngiti ang mababanaag sa kanyang mukha

Pero nagbago agad ang ngiting iyon ng makarinig sya ng yapak na papalapit sa kanya... sa simula ay marahan ngunit naging pabilis na ng pabilis iyon palapit sa kanya hanggang sa makilala nya na ang paparating ay si Karla.

"Lean!" Sabi ni Karla sabay lapit at luhod para tignan ang sugat ni Lean

"Kailangan mapigilan agad ang pagdurugo." Sa isip ni Karla

Itinapat ni Karla ang kanyang kanang kamay sa sugat ni Lean at nagsimula itong magliwanag dahil sa spiritual na enerhiya. At unti-unti ay tumigil ang pagdurugo ng sugat...

"Kaya nya ring manggamot?" Ito ang reaksyon na tumatakbo sa isip ni Lean

At matapos ang ilang sandali ay bahagya ng sumara ang sugat at tuluyan ng tumigil ang pagdurugo. Pagkatapos noon ay tumayo na si Karla...

"Mukhang natalo mo ang kalaban. Pero nasan si Giel? Magkasama kayo di ba?" Tanong ni Karla

"Bigla syang nawala kanina bago ko pa nakaharap ang isa sa mga devourer. Kailangan natin syang mahanap..." Sagot ni Lean na nanghihina pa rin

Nagliwanag ang kamay ni Karla at mula doon ay lumabas muli ang kanyang sandata na si Blueberry at lumipad ito palapit kay Lean...

"Iiwan ko sya dito para bantayan ka. Kailangan ko nang umalis para tulungan ang iba. Kung sakaling may mangyari, malalaman ko kaagad dahil konektado ako kay Blueberry." Paliwanag ni Karla

Pagkatapos na pagkatapos sabihin iyon ni Karla ay biglangdumating sina Janine at Mochi habang akay-akay ang walang malay na si Russel...

"Ate Karla..." Sabi ni Janine sabay lapag kay Russel malapit kay Karla

"Siya ba ang hinahanap natin?" Tanong ni Karla

Naalala ni Lean ang tagpo nang dukutin ng mga diyablo si Russel at tinangka nyang habulin at pigilan ang mga iyon at kinompirma nya kay Karla...

"Siya nga yan..."

"Masama ito, kailangan agad nating matanggal ang masamang enerhiya ng mga devourers na bumabalot sa kanya... Blueberry!" Sabi ni Karla

Lumapit si Blueberry kay Russel at bumuka ang bibig ng sandata ni Karla. Nagsimulang magliwanag si Karla at ang kanyang sandata na si Blueberry at unti-unti ay mistulang hinihigop ni Blueberry ang masamang enerhiya na bumabalot kay Russel...

"anong nangyayari?" Tanong ni Lean

"Hinihigop ko ang masamang enerhiyang bumabalot sa kanya, pero ang tagumpay ng prosesong ito ay nakadepende pa rin sa taong ito." Paliwanag ni Karla na ang tinutukoy ay si Russel

"Anong ibig mong sabihing nakadepende sa kanya?" Dagdag na tanong ni Lean

Sumabat si Janine sa usapan at sya na ang sumagot sa tanong ni Lean...

"Ang tunay na laban ay nagaganap sa loob niya, kung magpapatalo sya at magpapakontrol sa kasamaan ay walang magagawa si ate Karla. Kailangang mahanap nya sa kanyang loob ang liwanag..."

- - - - -

Tuloy pa rin ang laban sa pagitan nila Beth at Tera...

"Sa palagay mo ba bibigyan kita ng pagkakataong lumaban?!" Sigaw ni Tera sabay sugod kay Beth

Naglabas muli si Tera ng mahaba at matalim na bagay na gawa sa masamang enerhiya at ginamit nya iyon para atakihin si Beth. Nagagawa namang iwasan ni Beth iyon sa pamamagitan ng pag-atras ngunit wala pa ring tigil si Tera sa pagsugod hanggang sa mapasandal na si Beth sa isang pader...

"Hahahaha!" Tawa ni Tera nang makitang wala nang maatrasan si Beth

Pinigilan ni Beth ang atake ni Tera sa pamamagitan nang paghawak sa kamay nito at hinila nya si Tera papalapit sa pader upang magkapalit sila ng posisyon. Sinamantala naman ni Tera ang pagkakataon at sinipa nya si Beth na naging dahilan para mapabitiw sa kanya at mapalayo si Beth. Dahan-dahan namang naglakad si Tera papalapit kay Beth habang sinasabi

"Mukhang ang kaya mo lang gawin ngayon ay ang umiwas at tumakbo."

Ngumiti si Beth at sumagot...

"Tatapusin na kita ng mabilis."


[Itutuloy...]

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon