TM 123: Panandaliang Kadiliman

11 2 0
                                    


"Ruel Hill. Kwentuhan mo nga ako, anong pinagkaka-abalahan mo at bakit ka nandito?"

Bago pa man nasagot ni Ruel ang tanong na iyon ay biglang dumating si Marco, isinandal ang likod, ipinatong ang dalawang siko niya sa mesa at tumayo sa pagitan nila ni Emma...

"Napakaganda mo talaga ngayon gabi." Pagbati ni Marco

"Matagal ko ng alam. Enjoy the night." Sagot naman ni Emma

"Ano ba talagang problema mo sakin? Hindi ba dapat nagsisimula ka ng makitungo ng maayos sa mapapangasawa mo?" Pang-aalaska ni Marco

Gumanti naman si Emma ng isang ngiti na mapang-asar bago sumagot...

"Sigurado ka bang mangyayari yun?"

"Ang ano? Ang kasal natin? Siguradong pinaplano na yun ng mga magulang natin kaya naman..." Sagot ni Marco na pinutol ng susunod na tanong ni Emma

"Sigurado ka bang aabot ka pa sa araw na ikakasal ka?"

Natigilan si Marco pero halata sa kanyang mukha ang labis na pagkainis.

"Isa pang baso ng Gin para sa gwapong panauhin!" Sigaw ng tagasalin sabay pinadulas sa mesa ang maliit na baso papunta kay Ruel

Ngunit hindi iyon sinalo ni Ruel kaya naman tumama iyon sa siko ni Marco at tumapon sa kanyang damit!

"Anong!... Ano sa tingin mong ginawa mo?!" Sigaw ni Marco sa tagasalin

Natakot naman ang tagasalin sa naging reaksyon ni Marco at ang tanging nasabi na lamang niya ay...

"S-sa kanya po 'yun..." Sabay turo kay Ruel

"Loko ka, sino ka ba sa tingin mo?" Tanong ni Marco

Hindi naman sumagot si Ruel at hindi man lamang tinignan si Marco kaya naman sa labis na pagkainis ay hinawakan ni Marco ang balikat ni Ruel!

"Hoy! Alam mo ba kung anong ginawa mo?"

"Hindi mangyayari yan kung hindi ka sumandal sa mesa." Mahinahong sagot ni Ruel

"Sira ulo..." Galit ni reaksyon ni Ruel

"Marco." Mahinahon ngunit madiin na sinabi ni Emma na naging dahilan para mapatigil si Marco at itinuloy ni Emma ang kanyang sinasabi...

"Panauhin ko siya. Kumuha ka ng kahit anong gusto mong ipalit dyan sa damit mo. Kahit sampung beses pa ang halaga nyan babayaran ko."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 123: Panandaliang Kadiliman

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Ang Manuel na yun... siguradong may binabalak siya."

Sabi ni Francis Morell sa isang malaking lalaking nakasandal sa madilim na sulok ng kwarto na kanyang inupahan sa One Square Building

"Natatakot ka ba?" Sabay ngisi ng kanyang kausap

"Wala ka talagang alam kung paano makipaglaro ang mga taong katulad namin, ang laro ng impluwensya at karahasan na nakatago sa likod ng karangyaan at pulitika..." Sagot ni Francis

Lalo namang natawa ang kanyang kausap...

"Sa katulad kong namuhay sa impyerno, isang biro lang ang mga ganyang pahayag."

"Sige sabihin mo ano ang dapat kong gawin?" Tanong ni Francis

"Ang kanyang anak, iyon ang pinakamalaki niyang kahinaan."

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon