Chapter 15: Ang Kasamaan ng Isang Diyablo

102 71 0
                                    

"Ngayon, malinaw na siguro sa inyo na wala na kayong magagawa hahaha!"

Pang-aasar ni Django

"Isinangla nya ang katawan nya sa kadiliman? Mas delikado na ang sitwasyon namin

ngayon..." Sa isip ni Lean

Habang inaalisa naman ni Lean ang sitwasyon ay muli na namang sinugod ni Giel si

Django. 

"Kailangan lang mapigilan ang kanang kamay niya..." Sa isip ni Giel

Pinuno nya ng enerhiya ang kanyang mga kamay at paa at gamit ang kaliwang

kamay ay sinuntok niya si Django pero gaya ng nauna ay sinalag lang muli iyon ni

Django gamit ang kanyang kanang kamay. Agad namang hinawakan ni Giel ang kanang kamay ni Django gamit ang kanyang dalawang kamay at mabilis na sinipa sa mukha ang kalaban at halos mabali ang leeg nito.

"Nagawa niya..." Sa isip ni Lean habang pinapanuod ang eksena

"Pagkakataon na" Sa isip ni Giel

Susuntukin sana ni Giel ang tiyan ni Django pero bigla siyang sinampal nito sa pisngi gamit ang kaliwang kamay at bumagsak si Giel sa sahig. Tinangka naman ni Django na suntukin si Giel gamit ang kanang kamay na puno ng enerhiya habang nakahiga ito sa sahig.

"Tapos ka na ngayon!" Sigaw ni Django

Pero pumagitna si Lean para saluhin ang suntok gamit ang kanyang Astral Shield

"Ikaw na naman..." Sabi ni Django habang pilit na dinidiin ang kamay niya

"Ahhh!" Sigaw ni Lean sabay hawi sa kamay ni Django

Tinignan ni Lean si Giel at nakita na hindi pa ito nakakabangon sabay ikot ng mabilis

at wasiwas ng espada na nagliliwanag

"Cyclone Slash!" Sigaw ni Lean

Nakaatras agad si Django pero nagulat siya dahil ang liwanag na mula sa espada ay

humiwa sa hangin na tatlong metro paikot kay Lean.

"A-anong?" Sa isip ni Django sabay salag ng kanyang kanang kamay sa kanyang mukha

Nagtamo si Django ng sugat sa kanyang kamay at braso. Nang ibaba niya ang kanyang kamay ay nakita niya si Giel na nasa ere at pababa ang kamao sa mukha niya. Lumapat ang suntok ni Giel sa mukha ni Django at nadurog ang ilong nito.

"Tapos ka na... ha?!" Sa isip ni Giel

Biglang sinuntok ni Django si Giel sa katawan gamit ang kanyang kanang kamay. Tinamaan niya si Giel sa katawan at tumilapon ito papunta sa isang malaking puno kung saan bumaon ang katawan nito bago siya bumagsak ng paupo sa sahig

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon