Chapter 44: Scissorman

30 13 0
                                    


Huminto si Lean sandali at tinignan ang mga salamin na kung saan nandun ang mga imahe nya mula sa iba't ibang anggulo. Biglang namang nabasag ang salamin na nasa kanyang kaliwa at mula doon ay lumundag ang isang imahe ng tao na may malaki at matalim na sandata ang sumugod sa kanya.

Nangibabaw ang tunog ng mga sandata nilang nagpang-abot at doon naging malinaw sa mga mata ni Lean ang itsura ng kanyang kalaban at ng sandata nito.

"I-isang malaking gunting?!" Sa isip ni Lean

Wala namang reaksyon ang kalaban bagkus ay tuloy lang ito sa pagsugod. Nagagawa namang salagin ni Lean lahat ng mga pag-atake.

"Ha, isang diyablo na may hawak na laruan?" Pang-aasar ni Lean

Hindi pa rin iyon pinansin ng kalaban at sa halip ay muli itong sumugod kay Lean. Dahil sa kanilang paglalaban ay isa-isa nilang nabasag ang mga salamin sa paligid. Tinamaan si Lean ng isang bubog sa pisngi at nag-iwan ito ng mababaw na sugat. May mga bubog rin na tuma-tama sa kalaban ngunit hindi nya ito iniinda.

"Kung di ka nasasaktan sa ganyan. Tignan natin dito." Sa isip ni Lean

Mabilis na itinarak ni Lean sa kalaban ang espada ngunit labis syang nagulat ng malaman na isang repleksyon lamang sa salamin ang kanyang sinaksak. Nabasag ang salamin.

"Tsk, ginagamit nya ang mga salamin para magtago." Sa isip ni Lean.

- - - - -

Habang naglalakad sa mga pasilyo ng kastilyo sila Janine at Mochi ay may mga nadaanan sila na ilang putol na bahagi ng katawan ng mga tao...

"Grabe ang ginawa nila..." Reaksyon ni Mochi

"Naalala mo pa ba Mochi na gustong-gusto mong mamasyal sa theme park na ito dati?" Tanong ni Janine

"Oo ate, pero ibang-iba na 'to ngayon." Sagot ni Mochi

"Naalala mo rin ba kung bakit hindi tayo nakapamasyal dito noon?" Sunod na tanong ni Janine

"Huh... oo. May kumalat na balita noon na may halimaw sa lugar na ito na kumukuha ng mga bata. Pinasinungalingan naman iyon ng management nitong theme park pero unti-unti pa ring nalugi ito." Sagot ni Mochi

"At ng magsara ang theme park, nabalita din na natagpuan dito ang isang hukay na puno ng mga bahagi ng katawan ng mga bata. Kasama din sa mga natagpuan ang mga pira-pirasong bahagi ng ilang empleyado at maging ng manager." Dugtong ni Janine

Nagulat si Mochi sa narinig at naalala ang mga putol na bahagi ng mga katawan na nakita nila pagpasok pa lamang sa gate ng palasyo at hanggang sa mga pasilyo kung nasaan sila ngayon...

"Makalipas ang ilang taon, may mga grupo na nagpunta para imbestigahan ang lugar na ito ngunit wala nang nakabalik. Dahil dito ideneklarang haunted ang lugar na ito at pinagmulan ng mga nakakakilabot na kwento." Dagdag ni Janine

"Ate Janine... don't tell me..." Bulong ni Mochi

"Ang mga devourers, ginagamit nila ang kanilang masamang enerhiya para balutin ng isang lason ang katawan ng kanilang biktima bago nila ito kinakain ng buo, sa ganoong paraan sumama sa enerhiya nila ang pisikal na katawan ng tao at unti-unti rin silang nagkakaroon noon. Pero... wala akong alam na dahilan para pagputol-putulin nila ang mga katawan katulad ng mga ito." Paliwanag ni Janine

"Ibig sabihin..." Bulong ni Mochi

"Mukhang totoo ang alamat ni Scissorman." Dugtong ni Janine

Pagkasabi noon ay kumidlat at kumulog, kasabay sa gulat sa narinig ay nanginig si Mochi.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon