Chapter 87: Ang Union

17 5 1
                                    


Umandar na ang sasakyan ni Manuel papaalis sa gusali at sa Metro City...

"Nakakatakot, pero sa kapangyarihang meron siya ito ang pinakatamang gawin... ang makipagtulungan sa kanya. Tama... kailangan kong gawin ito para sa aking anak... ang unika iha ko ang pinakamahalaga kong kayamanan at alas."

Ito ang mga bagay na laman ng isipan ni Manuel.

- - - - -

Habang unti-unti ng naglalaho ang musikang likha nina Erryel ay dahan-dahan namang bumangon si Venoch sa pagkakalugmok sa sahig matapos tamaan ng Spirit Thunder Ball ni Miko...

"Tsk... nandyan pa pala sya." Reaksyon ni Lean

"Napakagaling ng pagsasama mo sa kapangyarihan ng liwanag at ng elementong iyon..." Sabi ng sugatang si Venoch habang nakatingin kay Miko

"Heh, tapos na to, natalo ka na. Pero kung gusto mo sige tapusin na natin ang labanan dito!" Paghahamon ni Miko Batid naman ni Erryel ang lagay ng sitwasyon...

"Himala ng nakakatayo pa sya pero ang totoo siguradong nasa limitasyon na siya at malamang hindi na niya kayang gumawa pa ng katulad noong bola ng enerhiyang pinakawalan niya kanina."

"Miko, magpahinga ka na. Ako ng bahalang tumapos nito." Sabi ni Lean sabay tutok kay Venoch ng kanyang espada

Nagsimula namang humakbang dahan-dahan paatras si Venoch...

"Mas magiging masaya sana ito kung nakahanap din ako ng isang elementalist sa panig ko..."

"Ha! Kahit anong elemento pa o kahit gumamit ka pa ng mabuting enerhiya at isama mo dyan sa maitim mong kapangyarihan!" Sigaw ni Miko

Nadismaya naman si Erryel sa narinig na sinabi ni Miko at agad na kinontra iyon...

"Hindi pwedeng pagsamahin 'yon! Di ka ata nag-aaral Miko!"

"Huwag niyong kakalimutan ang mga sinabi kong propesiya sa inyo mga kaawa-awang nilalang!" Pananakot ni Venoch

"Ang dami mong alam!" Sagot ni Lean sabay takbo para sugurin si Venoch

Agad naman lumundag ng lumundag paatras si Venoch na tila sinusubukang tumakas nang biglang isang putok ng baril ang kanilang narinig at kasunod noon ay natigil si Venoch dahil tinamaan ito sa kaliwang sentido.

Natigilan din naman si Lean at agad na nilingon ang direksyon na pinanggalingan ng bala at pagtingala niya sa isang gusali na may anim na palapag lamang ay nakita niya ang isang pamilyar na mukha...

"Siya yung..."

Naalala ni Lean ang tagpo noong hinarang sila ng lalaking iyon nung panahong hinahabol nila ang mga kumuha kay Russel...

Agad din naman nakita ni Miko ang lalaking nasa itaas kaya naman tumakbo siya palapit sa gusali...

"Hoy!"

Sinundan naman ulit ng lalaki ang naunang putok na kanyang pinakawalan galing sa kanyang baril ng pito pang sunod-sunod na kalabit ng gatilyo...

Hindi man bumabaon kay Venoch ay sapat na rin ang mga balang may spiritual na enerhiya para sugatan siya.

Nang sandaling tanggalin ng taong nasa itaas ng gusali ang magasin na nakakabit sa kanyang baril upang palitan iyon...

"Ito na ang huling meron ako." Sa isip ng lalaki

Sinamantala naman agad ni Venoch ang pagkakataon para tumakbo palayo at papasok sa mga kalye na naliligiran ng mga gusali...

"Hindi ka makakatakas!" Sigaw ni Lean na akmang tatakbo para habulin si Venoch ng biglang may mga kamay na humawak sa pareho niyang balikat para pigilan siya At ng lingunin niya ay sina Cjay at Daniel iyon...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon