Chapter 66: Paglundag at Pagtuklas

16 9 0
                                    


Sa gitna ng kadiliman ng gabi, lumilipad ngayon sa ibabaw ng kaulapan ng Metro City ang black dove...

"Wow! Astig talaga, magpa-parachute pa pala tayo wahahaha! Reaksyon ni Miko

"at walang parachute sa loob ng sasakyang ito." Dugtong ni Karla

"What the?!" Reaksyon ni Lean sa sunod na narinig

"Simple lang naman mga kuya, tatalon na kayo mula dito pababa." Biglang sabi ni Mochi

Panandaliang natigilan sina Miko at Lean sa narinig bago bumulalas ng isang malakas na...

"ANO??!!!"

Unti-unting nagtawanan ang lima nilang kasama matapos marinig ang reaksyon nila...

"Tsk, may alam na naman sila na di natin alam." Bulong ni Lean

"Kanina lang seryoso kayo, ngayon pinagtatawanan niyo kami?!"

"Relax ka lang Miko..." Sabi ni Karla sabay ngiti sa dalawa

Nilapitan ni Mochi si Miko at hinawakan ang jacket na suot nito, ang parehong jacket na ibinigay niya sa kanilang lahat bago sila umalis ng FAT...

"Kakaiba ang mga jacket na suot natin. Ginawa ito para mag-react sa spiritual na enerhiya."

"ha?..." Tanong ni Miko matapos marinig ang paliwanag ni Mochi

"May mga bagay talaga na ginagawa para magamit kakambal ng spiritual na enerhiya, parang ang light sword ni Lean.Tsaka ko na ipapaliwanag ang ibang detalye, basta habang nasa ere kayo, maglabas kayo ng kaunting spiritual na enerhiya at automatic ng mag-aadjust ang jacket na ito sa hangin at pwersa ng gravity para pabagalin ng bahagya ang pagbagsak ninyo." Paliwanag ni Mochi.

"Wow" reaksyon ni Miko habang tinitignan ang jacket na suot niya

"Sinabi mong pababagalin ng bahagya ang pagbagsak namin, pero sa taas na ito delikado pa rin ang gusto niyong ipagawa lalo na't hindi pa namin 'to nasubukan." Komento ni Lean

Sa sandaling iyon ay binitiwan na ni Mochi ang pagkakahawak sa jacket na suot ni Miko at naglakad para buksan ang pintuan ng black dove...

"Gamitin niyo rin ang spiritual na enerhiya para kontrolin ang pagbagsak at paglapag ninyo sa sahig. Wala na tayong panahon para mag-practice pero alam kong kaya niyo 'to." Sabi ni Mochi

Nang marinig iyon isang bagay ang pumasok sa isipan nila Miko at Lean...

"Siya ba talaga si Mochi?"

Nasabi nila 'yon dahil ang naririnig nilang nagsasalita ay hindi katulad ng Mochi na nakilala nila. Napangiti naman si Karla sa nangyayari...

"Mukhang kaya na nga nyang mamuno sa isang misyon."

Naglakad sina Miko at Lean papalapit sa pinto ng black dove at naghanda sa paglundag pero bago iyon ay nilingon nila sina Erryel, Cjay, at Daniel...

"Tatlumpong minuto di ba?" Tanong ni Lean

Hindi sumagot ang tatlo sa halip ay tumango lamang sila...

"Ayos Lean tara na!" Sigaw ni Miko sabay dugtong ng

"Tapusin agad natin ito pagkatapos ikwento natin kina Giel at Luisa 'to"

"Naku yabang na naman..." Sabi ni Karla

Biglang hinawakan ni Lean sa likod si Miko kaya naman napatingin ito sa kanya, agad namang nagsalita si Lean...

"Pre..." Sabi ni Lean

"Oh?" Tanong ni Miko

At biglaang itinulak ni Lean si Miko palabas ng pinto kaya naman napasigaw ito ng isang malakas na "Waaaah! Leaaaann!"

Napanganga naman sa nakita ang lima nilang kasama. Tumawa lamang si Lean at sinabi...

"Para hindi na namin pagdesisyunan pa sino ang mauunang tatalon." Paliwanag ni Lean sabay lundag

- - - - -

Matapos umalis ang pito para sa misyon ay naging tahimik ang sitwasyon sa FAT. Nasa kani-kanilang kwarto sina Amabii, Luisa, at Russel. At si Giel... nakatayo ngayon sa harapan ng pinto ng opisina ni Master Nok. Hindi malinaw sa kanya ang dahilan kung bakit siya naririto ngayon pero ang alam niya ay maari siyang makakuha ng kasagutan sa loob ng kwartong iyon. Kasunod ng malalim na paghinga at mabilis na paglunok ng sariling laway upang maibsan ang panunuyo ng lalamunan dahil na rin sa kaba, dahan-dahan niyang hinawakan ang door knob ng pinto at kagaya ng kanyang inaasahan, naka-lock ito.

Naging seryoso ang tingin ng kanyang mga mata at nagsimulang dumaloy patungo sa kanyang kamay ang spiritual na enerhiya, gamit iyon naramdaman niya ang bawat bahagi at maliliit na metal na bumubuo sa isang door knob at sa isang mahinang "tick"... bumukas mula sa pagkakasara ang door knob.

Madilim ang kwarto na kanyang pinasok ngunit hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para subukang buksan ang ilaw. Napansin niya ang isang shelf at ilang mga bagay na naka-display sa kwarto ngunit tila kusa siyang dinadala ng kanyang mga paa sa mesa ni Master Nok.

At sa ilang hakbang narating niya ang destinasyon at agad niyangnakita ang isang kahina-hinalang aklat. Marahan niyang sinubukang buksan ang pabalat nito at doon niya napagtantong hindi iyon pangkaraniwang aklat dahil tila may pumipigil para maiangat ang pabalat noon na anging sanhi para hindi nya iyon mabuksan.

Unti-unti kasabay ng tic tac ng mamahaling orasan na nasa silid na 'yon, bumalik sa kanyang ala-ala ang tunog ng nakalag na lock ng door knob ng pinto. Inilapat niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng aklat, pinadaloy doon ang spiritual na enerhiya at batid niyang may reaksyon ang aklat sa enerhiya.

- - - - -

"Waaah!" Patuloy na sigaw ni Miko habang tuloy-tuloy ang kanyang pagbagsak

"Miko!" Sigaw ni Lean na sumusunod na rin ang pagbulusok pababa

Lumingon si Miko kay Lean, nagtama ang kanilang mga mata at doon niya naalala ang sinabi ni Mochi kanina patungkol sa jacket kaya naman pumikit siya at sinimulang damhin ang pagdaloy ng spiritual na enerhiya mula sa kanyang katawan patungo sa jacket.

Ganoon din naman ang ginawa ni Lean.

Habang nakapikit ay naramdaman nila ang paunti-unting pagbagal ng kanilang pagbagsak at sa pagmulat ng kanilang mata nakita nilang bahagyang nagliliwanag ang mga gilid ng jacket nila dahil sa enerhiya...

"Haha! Astig talaga 'to" Reaksyon ni Miko

"Oo nga e, naiisip mo ba ang naiisip ko Miko?" Tanong ni Lean

"Siguradong matutuwa si Giel kapag nasubukan niya 'to!" Sagot ni Miko

Banayad ngunit tuloy-tuloy pa rin, iyon ang naging pagbulusok pababa nina Miko at Lean patungo sa Metro City. Tuloy-tuloy hanggang sa ilang metro na lang ay napansin nila na walang tao sa paligid ng kanilang bababaan.

"Ayos, mas makakakilos tayo paglapag kung wala munang sagabal sa paligid." Sabi ni Lean

Nang hindi na aabot sa sampung metro ang layo nila sa sahig ay pinadaloy nila ang kanilang enerhiya sa kanilang mga paa at gamit iyon ay nakalapag sila sa sahig ng hindi nasasaktan, magkatabi, at nakaluhod ng katulad ng sa isang maginoong kawal, at nakatingin sa kahabaan ng daan na walang tao.

Tahimik ang sitwasyon sa lugar na kanilang nilapagan bago iyon binasag ng isang tinig na nanggaling mismo sa kanilang likuran!

...

..

.

"Sisimulan na ba natin ang laro?"

Batid nina Miko at Lean na katabi lamang nila ang nagsalita at naramdaman nila ang masamang intensyon nito laban sa kanila kaya sa halip na agarang lumingon ay nanlaki ang kanilang mgamata at sandali silang nanigas sa gulat!


[Itutuloy...] 

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon