Isang liwanag na hindi katulad ng mga naunang nakita kay Giel ang nakabalot sa kanya habang tahimik siyang nakapikit at nakatayo sa hardin.
Ngunit ang kanyang isipan ay blanko. Walang anumang pakialam sa paligid. Hanggang sa ilang sandali pa, ang blankong estado ng pag-iisip ay unti-unting napalitan ng mga ala-ala sa narinig niya mula kina Master Nok...
...
..
"Hindi sasama si Giel. Hindi maaring makompromiso ang misyon, ang kaligtasan ng iba, at pati mismo ang kaligtasan niya dahil lang kulang na kulang pa ang kanyang kakayahan."
...
..
Nang maglaro ang mga salitang iyon sa kanyang isipan ay naglaho ang liwanag at bigla niyang iminulat ang kanyang mga mata. Kasabay ng pagbabalik ng kanyang malay ay agad niyang naramdaman na may nakatingin sa kanya mula sa hindi kalayuan... si Luisa!
Tulala naman ang babae dahil hindi niya alam ang dapat niyang maging reaksyon sa nasaksihan niya.
At nagsimulang maglakad si Giel patungo sa direksyon ni Luisa. Banayad ang kanyang mga yapak ngunit ganoon pa man ay ramdam ni Luisa ang bigat nito.
At nang sandaling makalapit ito sa kaniya, tila ibang tao na ang pinagmulan ng mga salitang narinig niya mula kay Giel...
"Bumalik ka na sa kwarto mo... gabi na."
Tumingin muna siya sa mga mata ni Giel, gusto niyang tanungin kung ayos lamang ito ngunit ang tanging mga salitang lumabas sa kanyang bibig ay...
"Sige... babalik na ako."
At nagsimula na siyang maglakad pabalik sa kanyang kwarto ngunit habang naglalakad sa pasilyo ay dama niya pa rin ang tensyon dahil batid niyang nakasunod sa kanya ang mga mata ni Giel habang papalayo siya.
- - - - -
Naupo sina Miko at Lean sa tabi ng batang babaeng unti-unti ng humihina ang mga hikbi dulot ng pag-iyak. Madilim, malungkot, at taimtim ang sitwasyon sa loob ng bahay na iyon. Binasag ng batang babae ang katahimikan nang magsimula itong magsakwento...
"M-may pumasok na lalaki kanina, h-hindi namin siya kilala. Pinagtago ako ni mama sa loob ng banyo sa taas. Wala akong narinig pero nang ilang minuto ay binuksan ko ang pinto at si.. si mama..."
Muling lumakas ang iyak ng bata at agad naman itong kinabig ni Lean papunta sa kanyang dibdib dahil sa dalawang dahilan. Una, para maitago ang malakas na tunog na nililikha ng pag-iyak nito at pangalawa, dahil naiintindihan niya ang lungkot ng mawalan ng mga magulang.
Nakatingin lamang si Miko ngunit halata sa kanyang mukha ang pinaghalong emosyon ng lungkot, galit, at pagod sa nakikitang nangyayari.
Hinimas ni Lean ang ulo ng bata ng ilang saglit bago sinabing...
"Lean."
Tumingin ang bata kay Lean at tsaka niya dinugtungan ang sinasabi...
"ako si kuya Lean, siya naman si kuya Miko. Wag ka na matakot, ligtas ka na."
Ang mga ungol na pag-iyak ng bata ay napalitan ng malalalim na paghinga...
"Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong ni Lean
"C-claud... claudette"
Hinawakan din ni Miko sa ulo ang bata at sinabing...
"Wag kang mag-alala, kaming bahala."
Tinignan ng bata si Miko ngunit unti-unti ng lumabo ang paningin nito na naging sanhi para hindi na niya maaninag pa ang pilit na ngiting sinusubukang ipakita ni Miko.
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...