"Palagi kang nandito?" Pambungad na tanong ng batang si Jeremiah sa isang batang nakaupo sa tabi ng daungan ng mga bangka
Nilingon siya ng batang lalaki at pagkatapos ay ibinalik nito ang atensyon sa mga bangkang papatawid ng dagat bago sumagot...
"Naaaliw lang akong panuorin ang mga bangka." Sagot ng batang lalaki
Lumapit si Jeremiah at naupo sa tabi ng batang batid niya na hindi nalalayo ang edad sa kanya.
"Hmmm... oo nga no." Reaksyon ni Jeremiah matapos tignan ang mga bangkang paparating
Tinignan siya ng bata at sinabing...
"Ikaw yung anak nung sir Eddie di'ba?"
Napatingin naman si Jeremiah sa batang kausap niya at doon niya lamang napagtanto sa malapitan na...
"Ikaw yung anak ng hari!"
"Shhh... wag ka maingay. Nakapuslit lang ako at sumakay lang ako ng bangka patawid dito"
"Ahh... Jeremiah pangalan ko!"
"Ace."
"Ace... hmm... gusto mo ba pumunta sa bahay?
Magaling gumawa ng cake ang mama ko!"
Tila nagtataka si Ace sa inaalok ni Jeremiah kaya naman tinanong niya ito...
"Wala ka rin bang kapatid?"
"Meron... may kuya ako... pero medyo kakaiba siya."
- - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 98: Love Saga V
- - - - - - - - - - - - - - - - -
Hinawakan ni Miko ng mahigpit sa damit si Jeremiah sa labis na pagkainis sa narinig na sinabi nito...
"At ano namang ginawa mo?!" Tanong ni Miko
"Sinabi ko ng ipinakuha siya ng hari, anong magagawa ko?!"
Pasigaw na sagot ni Jeremiah sabay hawak sa kamay ni Miko para alisin iyon sa pagkakahawak sa kanya
"Miko! Tama na yan!" Pagsaway ng kanilang mama
"Tsk!" Sabay bitiw sa damit ng kapatid at kasunod niyang sinabing
"Susunduin ko na lang siya dun."
"Wag kang padalos-dalos Miko. Siya pa rin ang hari. Siguradong may dahilan siya para ipatawag ang isang dayuhan na katulad ni Luisa." Pag-awat sa kanya ni Master Eddie
At biglang lumabas mula kay Miko ang napakaraming enerhiya...
"Kinuha si Luisa ng walang malinaw na dahilan at gusto niyong wala akong gawin?"
"Kakaiba talaga ang dami ng spiritual na enerhiya na biglang lumalabas sa katawan niya." Sa isip ni Master Eddie
"Hindi niyo na ko kailangang samahan. Pangako, wala akong gagawing masama... kung maayos naman ang lahat at si Luisa."
Paalam ni Miko sabay lakad sana paalis ngunit...
"Wag mo kong piliting pigilan ka Miko!" Sigaw ni Master Eddie
"Pasensya na kuya pero pipigilan din kita!" Sigaw naman ni Jeremiah
At natigilan si Miko at nilingon ang kanyang ama at kapatid...
"Hindi ko kayo maintindihan." Sagot ni Miko
"Kailangan mo ng maintindihan na hindi ka dapat basta-basta kumikilos base lang sa nararamdaman mo! Pinuno siya ng isang malayang bansa at dapat matuto kang lumagay sa lugar." Sermon ni Master Eddie
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...