Chapter 23: Ang Simula ng Panibagong Misyon

40 28 0
                                    


Kinabukasan ay maagang nagising si Miko at pumunta sa hardin upang manalangin bilang

paghahanda sa misyong kanilang sisimulan sa araw na ito. Gayon din naman, maaga ring

nagising si Luisa at nadatnan nyang nag-iisa si Miko sa hardin. Tumayo lamang siya ilang

metro sa likuran nito pagka't ayaw nya itong gambalain sa pananahimik, ngunit biglang

nagsalita si Miko...

"Kumain ka na ba?"

Nabigla si Luisa sa narinig ngunit kahit papano ay alam naman niya na mararamdaman ni

Miko kung meron mang tao sa paligid. Tumayo si Miko at humarap kay Luisa...

"Ah, hindi pa... kakagising ko lang din" Sagot ni Luisa ng may ngiti sa labi

"Masyado pa atang maaga. Medyo mababaw ang tulog ko kagabi haha" Ani ni Miko

"Hmm... dahil ba yan sa bagong misyon?" Tanong ni Luisa

"Ah... eh... oo. Hahaha" Sagot ni Miko sabay kamot sa ulo niya

Huminga ng malalim si Luisa bago sinabi ang susunod na pahayag...

"Balita ko kakaiba ang mga devourers. Siguro mas mapanganib pa sila kesa dun sa sumanib sa

katawan ni Django." Banggit ni Luisa habang naalala ang laban nila Miko kay Django

Hindi rin nakasagot agad si Miko pero makalipas ang ilang segundo ay tumawa siya ng malakas

at sinabing...

"Walang dahilan para matakot. Kasama natin ang Diyos!"

Kasabay nito ay sumilay na ang liwanag na nangagaling sa araw, ilang mga nagliliparang ibon

ang dumapo sa mga puno at damuhan sa hardin, isang tagpong karaniwang makikita kapag

sasapit na ang ika-pito ng umaga.

"Oo nga, tama!" Sabi ni Luisa na may ngiti sa labi.

"Pumasok na tayo at mag-almusal. Gutom na ako hahaha!" Pagyayaya ni Miko sabay

lakad palapit kay Luisa

At sabay silang naglakad papasok ng FAT. Nauna ng ilang hakbang si Miko at tinitignan naman

siya ni Luisa mula sa likuran

"Gusto ko ring sumama sa inyo... pero kung di man ngayon, gagawa ako ng paraan para tulungan

kayo." Sa isip ni Luisa

- - - - -

Samantalang, sabay sabay namang kumakain ng agahan sina Master Nok, Giel at Lean...

"Kinakabahan ba kayo?" Tanong ni Master Nok

Humigpit ang hawak ni Lean sa tasa ng kape na kanyang iniinom bago niya sinagot ang

tanong...

"Mas maraming buhay ang nakataya sa pagkakataong ito..." Sagot ni Lean

"Alam namin na malakas at mas marami ng karanasan sina ate Karla kung ikukumpara sa amin

pero nabigo rin silang pigilan ang mga Devourers na yon..." Dagdag ni Giel

Tumawa ng malakas si Master Nok pagkatapos ay nilagok lahat ng natitirang kape sa kanyang

tasa at madiin na inilapag ito sa mesa...

"Pano nyo sasabihing nabigo sila kung hindi pa naman tapos ang misyon nila? hahaha!"

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon